PAPEL AT PLUMA
Entry#3
KaYaMaNan
Anak n’yo ba talaga ako?
Bakit hindi ko nararamdaman?
Kasi kahit may naaabot ako,
Dama ko’y hindi kaligayahan.
Elegante, ang buhay ko’y ganito.
Gamit ko’y hindi na mabilang.
Hawak kong pera’y libo-libo,
Itinatapon ko na nga lang.
Lahat nakukuha ko, lahat ng gusto.
Mamahalin man ngunit kulang.
Natatangap ko kahit ano,
Ngunit iisa lang naman ang aking kailangan.
O sabihin nating pinapangarap ko,
Pagmamahal ng mga magulang.
Ramdam ay hindi pag-ibig mula sa inyo,
Sagana, ngunit hindi sa pagmamahalan.
Totoong mayaman ang pamilyang ito,
Umiibig, ngunit sa kasikatan at karangyaan.
Wala nang pag-asang ito'y magbago.
Yaman nila'y ginto kaya tulad ng utak, puso nila'y walang laman.
#MalayaAko
*Certificate of Participation* |
No comments:
Post a Comment