Tapos na, Hinga Na
Naglalakad sa kalyeng semento,
Mabigat ang pakiramdam.
Nakayuko lamang ang ulo,
Wala nang silbi, wala nang kwenta.
Ganyan ang tingin sa sarili.
Kailangan ko ng sagot Ama,
---
Nagpatuloy ako sa paglalakad
At biglang uminit ang hangin.
Habang ako’y umuusad,
Nagsimula silang humampas,
Bumaon ang talim sa balat.
Napasigaw Siya ng malakas,
Nakaka-awang pagmasdan
Dahil alam mong pagod na Siya.
Ngunit hindi pinanghinaan--
Bigla akong napatanong,
Sino ako para magreklamo?
Itong nararanasan ko ngayon,
---
Sa isang iglap ay bumalik
Ako sa kasalukuyan.
Ang luha’y biglang humalik
Sa akin ay may biglang bumulong,
”Tinapos ko na, Tapos na.
Wag mo nang ikulong
Ang sarili sa kasalanan pa.
Sa bawat hampas ng martilyo
Sa pakong kinalawang,
Tiniis ko ang sakit para sa iyo--
Huwag mong hayaang
Ang pagdanak ng aking dugo
Ay masayang, na parang basura lamang.
May dahilan kung bakit ka humihinga,
Ito ay upang maging masaya.
Kaya lungkot ay itapon mo na,
Tinapos ko na ang laban, ang pagkakasala,
Nang bangitin ko ang mga salitang “Tapos Na”.
Upang mamuhay ka ng malaya
-----
Entry No. O1000011
*Certificate of Achievement - 5th Place* |
*Scoresheet* |
Tapos Na, Hinga Na | March 27, 2018 | Poetry from the Heart | It is Finished - Poem | 5th Place | Bannie Bandibas
Comments/Critiques:
Deecriept Menat - Mabuhay ka ng Ako ang kasama... Sana lahat. Hahaha. Anyway, maganda ang mensahe ng iyong akda, nagustuhan ko, gano'n din ang paksa na iyong napili. Ngunit nakulangan rin ako, hindi ko masyadong nadama ang emosyon. Pero baka manhid lang ako. hehe. Keep writing, dapat mas napapahayag sa mundo ang mga ganyang klaseng piyesa. God bless, and congratulations! 😊
Mike James Palay - Ang ganda ng gabi, magandang gabi! Nagustuhan ko ang writing voice mo, unique. Naipahayag mo nang may liberalisasyon ang nararamdaman ng 'yong damdamin. Ang sa 'kin lamang ay itinulak mo na rin sana ako sa himpilan ng 'yong emosyon, nakulangan ako, e. Anyway, sa pangkalahatan, hindi mo ako/kami binigo. Salamat dito!
No comments:
Post a Comment