No'ng Ako'y Isa Pang Bubwit
(Sanaysay)
I am a keeper, nasanay at kinahiligan kong magtago ng mga bagay na may halaga para sa akin. Mula sa mga papel hangang sa mga bagay na minsa'y para sa isang karaniwang tao ay basura na. Paper cups ng kape sa 7/11 noong una akong nilibre ng kape at tissue sa Jollibee kasama ang isang naging importanteng tao, hindi na imporatante kung sino basta nanatili siyang tao. Itatapon mo na siguro ang mga 'yan pagkatapos pero ako, itatago ko.
Sertipiko, yan yong isa sa mga pinakaiingatan kong mga bagay na kinokolekta nang di sapilitan kasabay ng mga barya o lumang pera, laruang transformers, at marami pang iba. Kinagiliwan ko silang lahat ngunit may isang sertipiko na labis kong pinagtakhan kung paano ko nakuha. Sertipiko na ang nakasulat ay pumangatlo sa pagsulat ng komposisyon na ibinigay sa aking noong ako'y nasa elementarya pa lamang. Paano? Sumulat ba talaga ako? Ako ba talaga iyon o ako na mula sa ibang dimensyon?
Doon nag-umpisa ang aking pag-iimbistiga at sinuong ang larangan ng pagsulat. Ang tanong ay unti-unti kong pinunan ng sagot sa pamamagitan ng pagbuo ng mga hinuha sa aking isipan at inilalapat sa papel gamit ang tinta ng aking panulat. Naalala ko pa nga noong pagtatapos namin sa elementarya, pinarangalan din ako ng WORD SMART. Matalino nga ba talaga ako sa salita? Siguro? Baka?
Dito tayo magsisimula...
![]() |
THIRD PLACE FOR COMPOSITION WRITING ENGLISH QUIZ BEE SCHOOL LEVEL - NEW MABUHAY ELEMENTARYSCHOOL |
Still wondering how I got this. Sana may makasagot pero nahihiya akong magtanong kasi baka ang sagot ay hindi ko magustuhan. Baka ang sagot ang magpapaliwanag sa reyalidad, na baka ang lahat ng ito ay kahibangan kaya ayaw ko na lang ring alamin.
ReplyDelete