Bannie Bandibas
Marami akong naisip noon na maging pangalan sana, penname kung gaba, at nagsimula ako sa medyo weird at pinaglaruan kong pangalan mula sa dalawang salita. NUMISTMANUNULA, mula sa dalawang hilig ko na pangongolekta ng mga barya at perang papel, at pagtula. Ang mga salitang iyon ay:
- NUMISTMATIST - someone who studies or collects coins, paper money, or medals.
- MANUNULA - isang taong may talento sa pagsulat o pagbigkas ng tula.
Nang tumagal-tagal ay naisipan kong palitan ito ng pangalang may mas malawak na sakop dahil ninais kong madiskubre at subukan ang iba pang uri ng literatura. Naging PLEUMANIMOX, nanatiling weird at nagmula pa rin sa ilang salita na pinag-isa.
PleumaNimoX
(*Pl[e]um*a){\Ni/m}o\x/
1. (Pluma) - Pen
2. [e] - editor (kunEho)
3. *Pleum* - name of a Thai singer (V.R.P Kamikaze - First Date Project "I Can't" ft. Cnan)
4. {Nim} - from my previous (but still used) penname "NumIstManunula"
5. /mox/ - (Moron, Oxy) Oxymoron
6. \Nimo\ - Sayo (tag), Your (eng)
7. PluemaNimoX - (Pen Your Not) Not Your Pen
May ilan rin akong pangalan na ginagamit bilan pen name sa mga isinusulat ko gaya ng:
- CARAMEL PUFFS
- BANUY
- KUNEHO
Nice meeting you...
Gaano ba ka-importante ang pangalan? Sobrang mahalaga dahil ito ang iyong magiging pagkakakilanlan. Marami mang nagsasabi na wirdo ang aking pen name subalit mabuti ito dahil talagang matatandaan nila ang pangalan ko. Pleumanimox, sound like clorox, pagtawanan man ay mananatili ang mga kahulugan ng pangalang ito.
ReplyDelete