Bannie | PleumaNimoX: KONSEPTO

Search This Blog

Wednesday, February 14, 2018

KONSEPTO

Entry #1

Konsepto


Love is patient.

Love is kind.

Love should be meant.

Love is blind.


Maraming konsepto,

Na gawa ng Diyos at tao,

Kung papaano

Magmahal nang totoo...


Ngunit ito ang tanong ko--

May pag-ibig nga ba sa mundo?

May nagmamahal nga ba

O may minamahal pa ba?


Aking naririnig,

Ngunit di maunawaan

Ang sigaw sa aking paligid,

”Tayo’y magmahalan..."


Ngunit pag-ibig nga ba

Kung naglalamangan ang isa’t isa?

’Yong ‘pag may ibinigay ka,

Maghihintay ng kapalit, at umaasa.


Pag-ibig din ba ang pag-aalala,

O ang kahit simpleng pag-aaruga

Kung may sekretong intensyon,

Mabuti, masama, o upang makakuha ng atensyon.


Umiibig ngunit nagrereklamo

Kapag hindi napansin.

Alam mo nang talo

Kaya ka dumadaing.


Pag-ibig pa kayang matatawag

Kung sa puso mo ito’y bumabasag?

Iibig ka pa ba sa isang dilag

Kung sakit lamang ang kumakalampag?


Pag-ibig na walang kondisyon,

Pag-ibig na walang rason--

Ganyan ang pagmamahal para sa akin.

Ang tunay na pag-ibig ay nadadaan sa panalangin.


Ikaw, what is true love for you?

How far can you go

Just to show

What is the kind of love that you know?


*Certificate of Participation*

Konsepto | February 15, 2018 | Spoken Word Poetry | Valentine's Day Special | Partisipante | Bannie Bandibas

Comments/Critiques:

John Fritz Flojo - Love Is Sacrificing

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...