Bannie | PleumaNimoX: MATULANG ROSAS

Search This Blog

Wednesday, February 14, 2018

MATULANG ROSAS

KAMPI 3


Kampi Round3


#TNPsaKAMPI

#AngIkatlongHamon

Matulang Rosas (Matinik na Pulang Rosas)


Entry#: 4

Katumbas na salita: Kalikasan


Content:

Nanatiling pula--

Ang pag-ibig ko pala sa 'yo ay

Pumusyaw na lamang bigla.

Ang rosas na aking ibinigay,

Akala ko

Habambuhay na.

’Yong tayo,

’Yong saya,

Ang mga pangakong binitiwan,

Ang kumpol ng gumamela--

Inani kasabay ng ulan,

Ay tuluyan nang nalanta.

Ang mga dahon ng pait,

Ang pighati at pagdurusa--

Ang tangkay ng sakit,

Ay mananatiling mahaba.

Ang nadarama ko para sa ‘yo,

Ay nawalan na ng sigla.

Ang araw ng mundo ko,

Ang pagmamahal ng isang diwata,

Ang reyna sa kaharian ko,

Di ko na iisipin na

Magiging totoo.

Ang ikaw at ako ay di na

Magiging buo--kahit

Ang pag-ibig ko para sa 'yo ay

Sa puso pa rin nakakapit.

Ngunit ang mga bunga’y

Nahulog na.

Ang mga puno--

Ang bundok ng pag-asa,

Tuluyang gumuho,

Napagod na.

Ang mga kamay ko’y kahit

Hawak-hawak ka pa--

Natatakot nang matinik... Ngunit (basahin pataas)


#IkawNaNagmamahalMagmahalKaPa


*Certificate of Participation*


MATULANG ROSAS | February 15, 2018 | KAMPI - Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Tawag ng Panitikan sa KAMPI - Ikatlong Hamon | Qualified | Bannie Bandibas

Comments/Critiques: 

Samantha Rivera - ang sad nito, maganda natangay ako. Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...