Bannie | PleumaNimoX: ANG DATING (MIDDLE MESSAGE)

Search This Blog

Sunday, December 3, 2017

ANG DATING (MIDDLE MESSAGE)

    Unang beses kong makalahok sa ganitong uri ng paligsahan na gagawa ka ng sarili mong uri ng tula. Hindi ako sigurado sa aking ginawa pero natanggap ito ng organayser na maging natatanging uri o sub-type ng isang uri. Nanalo ang piyesa ng Ate Jubee ko dito at pareho kami ng Tiyang Samantha Rivera ko na natanggap rin ang lahok. 



Ang Dating

-o0o-

Nandito ang puno ng ating mga

Alaala at pag-ibig na tila

Nalalagas na ang mga dahon.

Ang dating sandalan, naging kahon.

Alam kong di na maibabalik

Kahit inalay ko na ang lahat.

Naisin ko man ulit maramdaman ang halik, 

Babayaran upang matanaw, ngunit salapi’y salat.

Maglalakad ako gamit ang tsinelas ko

Patungo sa puso ng aking birhen.

Ala-ala ng pagmamahalan, ika’y mananatili dito.

Sa kabaong man muling masisilayan, ako’y kinikilig pa rin.

( basahin mula pamagat, patungo sa gitna ng bawat linya [ isang salita o dalawa kung espasyo ang gitna ] upang matuklasan ang nakatagong mensahe )


Name ng sariling Form of Poetry: 

MIDDLE MESSAGE (Mensahe sa Gitna)

Description ng Form: Ito’y uri ng pagsusulat ng tula na may nakatagong mensahe sa gitna ng bawat linya. Hanapin ang mga salita sa gitna ng bawat linya o kung espasyo ang gitna ay kunin ang dalawang salita na ginitnaan ang espasyo. Maaring gamitin sa katuwaan o paglalahad ng sekretong mensahe sa mga nililikhang tula. Simple man ngunit nababagay sa mga “Detective” o Tagasuri ang pag-iisip na mga mambabasa o manunula(t).

Halimbawa o Patunay:

[ANG DATING]

Ni NumistManunula

Nandito ang [PUNO NG] ating mga

Alaala at [PAG-IBIG] na tila

Nalalagas na [ANG] mga dahon.

Ang dating [SANDALAN], naging kahon.

Alam kong [DI] na maibabalik

Kahit inalay [KO NA] ang lahat.

Naisin ko man [ULIT] maramdaman ang halik, 

Babayaran upang [MATANAW, NGUNIT] salapi’y salat.

Maglalakad ako [GAMIT ANG] tsinelas ko

Patungo sa [PUSO NG] aking birhen.

Ala-ala ng [PAGMAMAHALAN, IKA’Y] mananatili dito.

Sa kabaong man [MULING MASISILAYAN], ako’y kinikilig parin.

Mensahe:

Ang dating puno ng pag-ibig ang sandalan,

Di ko na ulit matanaw.

Ngunit gamit ang puso ng pagmamahalan,

Ika’y muling masisilayan.

12-04-17 Entry16


*Certificate of Participation - Accepted*


Ang Dating | December 4, 2017 | Vino: Isang Makata | Pagsulat ng Orihinal na Uri ng Tula | Natanggap/Accepted | Bannie Bandibas


Comments: Original Post cannot be recovered - page deleted

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...