Pinili
Kong Maglakad Kaysa Lumipad
ni Bannie Bandibas
Idinilat
ang mga mata,
Gumising
nang maaga.
"Magandang
umaga,"
Pagbati
ko sa kanila.
Tiningnan
ang orasan,
Gulat nang matuklasang
Mahuhuli
na pala sa pupuntahan.
Kailangan
ko nang bilisan.
Naligo,
nagsipilyo, nagpabango--
Hawi
ng buhok ang sinigurado.
Ang
mga salami'y isinuot ko,
Ngayon
lang ako magmumukhang tao.
Nag-antay
ng dyip sa may kanto
Ngunit
puno ng mga pasahero
Kaya
nilakad ko ang daan hanggang dulo.
Nangangatog
nang mga tuhod ko.
Umupo
sa isang upuang kawayan.
Kahit
pagod at ako'y pawisan,
Naghintay
ako sa ating tagpuan--
Sana
ito'y maging makabuluhan.
Sampung
minuto, isang oras,
Di
parin nasisilayan ang iyong mga bakas.
Dyel
sa buhok ay malapit nang maagnas,
Nilalanggam
na rin ang dala kong pastillas.
Nayayamot
na ngunit nandito pa rin
Hanggang
sa ika'y tuluyan ding dumating
Ngunit
ako'y nagulat sa aking napansin
Hawak
kamay kayong naglalakad ni Ding.
Napaluhod, bumagsak na luhaan.
Hindi
pala diyamante ang tunay na kahinaan.
Ikaw
pala ang magiging tanging dahilan
Kung
bakit ang puso ko'y maiiwang sugatan.
Mas
malala pa to sa natamo ko sa labanan.
Hindi
dapat nagmadali at tinahak ang tamang daan.
Kung
hindi sana nagpadalus-dalos at kinilala ka nang lubusan,
Di
sana ako ganitong labis na nasasaktan.
Darna,
Mahal
kita.
Ang
iyong kinaibigan,
Superman.
POSTER NA EDIT NG INYONG LINGKOD |
No comments:
Post a Comment