Bannie | PleumaNimoX: KANINO NGA BA?

Search This Blog

Tuesday, January 16, 2018

KANINO NGA BA?

    Unang paligsahan na nabulilyaso dahil wala nang update mula sa pahina (tuluyan na talagang binura), matagal-tagal na rin ang pangyayaring ito at maraming wirconista ang natuto ukol sa paglahok sa mga patimapalak sa pagsulat.

    KALAMPAG NG DIWA

Kanino Nga Ba


”Di na tayo pasasakop mga kabaro,

Lalaban tayo para sa kalayaan!”

Masasayang na lang ba ‘to?

Lumaya nga ba tayo? Kung oo, kailan?


Kailan nga ba nakamit ang tunay na kalayaan?

Kailan mo nasabing malaya ka na?

Kailan ka humakbang paakyat sa hagdan?

Ang paglipad ay kailan mo nadama?


Kung babalikan natin ang nakaraan,

Sambit ng mga tao “malaya na tayo”.

Di na nila tayo masasaktan,

Oo, pero patuloy tayong niloloko.


Walang ka bang napapansin?

Hindi mo ba nauunawaan?

Nakikinig ka ba sa bulong ng hangin

O baka nabingi sa kasinungalingan?


Wala naman talagang tunay na malaya

’Pagkat lahat tayo ang nanatiling nakakulong.

Papel lang ang hawak nila

Ngunit nasayo pa rin ang barong.


Pilipino ang may-ari ng bansa

Ngunit dayuhan ang nakikinabang.

Patuloy na natutuwa

Sa tuwing sinusuhulan.


Mga bagong inobasyon para sa bayang ito,

Para ba talaga sa atin o sa kanila?

Bakit nagpapakabulag tayo,

Kahit pansin naman natin di ba?


Walang inosente dahil aminado tayong lahat,

Sinasabing malaya tayo, malaya na

Ngunit ang totoo’y di nagiging tapat,

Hanggang kailan ka ba magpapakatuta?


Di ko na sasabihin ang mga dahilan

O ang mga ginagawa natin kaya nasabi ko ito.

Hahayaan kitang isipin at maunawaan.

Ang kalayaan ay magsisimula sayo, kababayan ko.


*Certificate of Recognition*

Kanino nga ba | January 17, 2018 | Kalampag ng Diwa | Pagsulat ng Diwa | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...