KAMPI 2
Kampi Round2
#TNPSaKAMPI
#AngIkalawangHamon
#DagliSaEnero
ENTRY NO. 4
Pusong Bata
”Ama, bakit po may malaking litrato ang mamang ito dito sa bungad ng bulwagan? Sino po iyan? Bakit siya nakangiti?” Nag-usisa ni Juan.
“Siya ang kagalang-galang nating pangulong Cruz. May puso siyang tila isang makulit at palatanong na bata, sabik palagi sa bukang-liwayway. Ang mga gawa niya’y naghahangad ng pagbabago at saya, kaya palagi rin siyang masaya.” Sumagot ang kaniyang ama.
”Nais ko po’ng maging katulad niya.” Nakangiting sumambit si Juan.
”Hindi maaari Juan.” Kinontra ng ama.
”Bakit naman po?” Naguguluhan.
---
”Presidente, kailangan na po kayo sa entablado, naghihintay na ang mga tao.”
---
”Anak, sige na--tinatawag ka na doon”
![]() |
*Certificate of Participation* |
PUSONG BATA | January 20, 2018 | KAMPI - Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Tawag ng Panitikan sa KAMPI - Ikalawang Hamon | Qualified | Bannie Bandibas
Comments/Critiques:
Marinel Morauda - Ah nagets ko na, yung lumaki siya na yung Mayor. Okay, maganda. Good Luck po.
No comments:
Post a Comment