Bannie | PleumaNimoX: May 2022

Search This Blog

Tuesday, May 31, 2022

SLOGAN 3 - PAPERLINK

 

LITRATO NG LAHOK

SERTIPIKO NG PAKIKILAHOK

June 1, 2022 | Paperlink | Slogan Making Contest | Consolation | Bannie Bandibas

Monday, May 30, 2022

LIKAS NA YAMAN

#KampiWriconMayo2022

Likas Na Yaman


Kung ako’y magiging isang bagay,
nais kong maging isang binhi--
nag-umpisang walang isang kulay,
pagtubo, daho’y palaging lunti.

Berdeng parteng pinakamahalaga
nang halama’y sumibol na malusog,
kahit may panahong di maganda
at may mga araw na hindi busog.

Nananatiling nakatayo para sa tao,
at bansa, ang sinilangang bayan--
sarili’y magiging matatag at buo,
buhay ay para sa inang kalikasan.

Likas na yaman ng Pilipinas
ang siyang nag-iisang susi,
at agrikulturang pinapalakas
ang pintuang Kanyang pinili.

Magbubukas para sa pag-asa
at liwanag ay muling masisilayan,
yayabong ang lupang pinag-isa
na yakap ang sa mundo’y luminang.

Diyos ang magiging makinang na araw,
katapangan ang lupang titindigan,
at tao ang tiyak na magpapa-apaw
ng pag-ibig, kapayapaan at paninindigan.

KRITIKO NG HURADO:
Maganda ang nilalaman. Inilalarawan nito sa isip ko ang nais niyang sabihin. Nakulangan lang ako sa kariktan. Wala ring gaanong talinhaga para mas maging malikhain ang dating. Sa teknikalidad, maging aware na lang sa consistency at paggamit ng kuwit at tuldok. Kung kailan ito dapat itigil (,) at kung kailan ang tamang tapos (.). -Ginoong Ibarra

Nagustuhan ko ang pagtutulad na ginamit bilang imahe ng tula. Maayos na binalangkas ang mga salitang ginamit para mai-ugnay sa punto. Bagamat iwasang paulit - ulit na gamitin ang isang salita sa mga taludtod, kung hindi naman ito ayon sa pormang pinapakita. Dapat tandaan kung kailan lang ginagamit ang malaking titik sa unahan ng salita. 
-Sir Bench

SERTIPIKO NG PARTISIPASYON

Likas Na Yaman | May 31, 2022 | Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas | Pagsulat ng Tula | 88.26% | Bannie Bandibas

Wednesday, May 25, 2022

PALAD

 RVD 2022 WRICON

AUDITION ENTRY 18

---

PALAD

ni Bannie Bandibas

(Slice of life)

---

Tanaw ko ang malawak na bukid, ang mga magsasakang patindig-yuko sa ilalim ng sikat ng araw at ang mga pananim mula sa asotea sa ikatlong palapag ng aming mansyon. Pinakikinggan ko ang huni ng mga ibon, tahol ng mga aso, ingay ng iba pang mga hayop na tila isang musika sa aking tainga. Komportable akong naka-upo habang nakatalukbong ng isang makapal na kumot upang pananggalang sa malamig na panahon. Hawak sa kanang kamay ang tasa ng mainit na gatas at sa kabila naman ay isang pirasong pandesal. Labis ang kagalakang nararamdaman ng aking puso para sa ganitong buhay na nararanasan ko ngayon.

Tumayo ako at lumakad, pinapadaloy sa aking mga pisngi at mga kamay ang hangin na tila niyayakap ako.

Biglang may nagsalita sa aking likuran. “Kumusta ka rito, Maria?” Pamilyar sa aking ang boses ngunit hindi ko siya nilingon ngunit sumagot ako. “Maayos naman po. Napakasarap sa pakiramdam, parang gusto kong manatili na lamang dito.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin, dinig ko ang yapak ng kaniyang sapatos at nakadma ako ng kaba. Niyakap niya ako mula sa likuran. Ang kaba ko’y napalitan ng pagkalungkot, napaluha ako sa hindi ko maintindihang dahilan. Napatingin ako sa mga taong nasa ibaba, nahihirapan sila. Napahagulhol ako at agad namang pinatahan ng taong yakap-yakap ako.

”Ano ang maaari kong gawin para sa kanila?” Napatanong ako ngunit hindi siya sumagot. Mula sa kalngkutan ay takot naman ang tumutusok sa aking kalamnan. Sinubukan kong lumingon ngunit hingi ko magawa pagkat may isang pares na kamay ang pumigil sa aking ulo. Pinipilit nitong tumingin ako nang diretso. Palakas nang palakas ang pintig ng akong puso hanggang sa sobrang kaba na aking bitbit. Nagpupumiglas ako ngunit may dumagdag na marami pang pares ng kamay na nakahawak na sa aking buong katawan. Hinihila ko ang aking mga braso at paa upang makawala sa kanilang pagkakahawak. “Ano ba? Bitiwan n’yo ako!”

Pagkatapos kong sumigaw nang malakas ay nagdilim ang paligid. Dahan-dahang bumitiw ang mga kamay ngunit nanatili ang mga kamay na nasa aking ulo. Pinihit niya ang aking ulo at pinatingin nang diretso sa aking harapan. Nakita ko ang isang puting bilog mula sa malayo na napansin kong papalapit sa akin. Imbis na madagdagan ang aking takot ay unti-unti itong nawawala. Tuluyang nakarating sa aking puwesto ang puting bilog na isa palang maliwanag na tila bunganga ang isang kuweba na may hagdan pababa.

Sa isang iglap ay lumakas ang liwanag at biglang may tumulak sa aking mula sa likuran. Nawalan ako ng balanse at muntik nang matumba ngunit may nag-abot ng kanyang kamay. Napahawak ako at napatingin. Isang magandang dilag, nagulat ako at muling kinabahan. “Senyora Fina! Kayo po pala iyan. Pasensya na po kung pumunta ako rito at pinakialaman ang gamit ninyo. Pasenya na po talaga, huwag n’yo po akong parusahan.” Iiyak na naman sana ako ngunit hinaplos niya aking pisngi. Nahimasmasan ako sa lambot ng kanyang mga palad.

“Huwag kang umiyak, hindi mo kailangang iyakan ang lahat ng pagkakamali. Sayang lang luha kung ibubuhos mo ito sa kasalanan ng kahapon.” Napatulala lang ako. Sinenysahan niya akong tumingin muli sa bukid gamit ang kanyang nguso na panturo. “Makakaya mo silang tulungan. Tumingin ka lang nang diretso at ako ang bahala sa mga kailangan mo. Likas ang aking yaman, na ipapaubaya ko sa iyong mga kamay. May tiwala ako sa iyo kaya humayo ka, aking Maria.” Napangiti ako. “Tiyaka, tawagin mo akong Inang Fina, Anak.”

---

(570 words)

May 25, 2022 | Palad | RVD One Shot Story | Partisipante

Sunday, May 8, 2022

BINIBINING NAKAPUTI

Binibining Nakaputi

"Binibini!"

Ayaw ko sanang lumingon ngunit muli na namang bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ng pagkirot ng kaliwa kong balikat, napabaling ang tingin ko sa kanya. Kilala ko ang boses na iyon na siyang araw-araw na bumubulabog sa pagnamnam ko sa katahimikan.

"Lumiliwanag yata ang suot mong puting bestida, siguro masaya ka't nakalabas ka naman sa iyong lungga?" Sabay ng mapanukso niyang pagtawa. "Kumusta ang araw mo?" Sagot ko'y "maayos naman... Bago ka dumating." Napangiti siya't biglang tumawa nang malakas, humagikhik. Di ko namalayan na napapangiti na rin ako... Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito.

"Aakyat pala kami ng bundok bukas ng gabi, gusto mo bang sumama?" Masigla niya akong inanyayahan kahit di pa niya ako masyadong kilala. Siguro'y puro ang kanyang intensyon kaya napa-oo ako. Panahon na rin siguro para ipakilala ko siya sa tunay na ako.

Dumating ang gabing iyon. Gabing hindi ko malilimutan. "Teka, papalapit na tayo sa tuktok pero hindi ko pa rin nakikita ang iyong mga kaibigan na nakasunod sa atin." Pagtataka ko na may halong kaba. Napatingin ako sa kanya at bigla siya lumuhod. "Wala man akong dalang singsing at hindi ko pa alam ang iyong pangalan ngunit sana'y pagbigyan mo ang aking hiling na ika'y aking maging kasintahan." Napaluha ako, luha ng galak ngunit may takot. 

Kumulog na't kumidlat, ilang minuto rin akong hindi nakasagot sa kanya hanggang sa... "Ako si Elle." Pagkasambit ko ng aking pangala'y kumirot na naman ang aking kaliwang balikat at nagdilim ang aking paningin, nawalan ako ng malay.

Sa pagdilat ng aking mata'y naaninag ko ang pula't bughaw na ilaw sa paanan ng bundok at iilang katawan na naliligo sa likidong mala-rosas, wala nang buhay. Napatingala ako't natagpuan ang bangkay ng aking mahal, nakalambitin sa sangang puno, at idinuduyan ng hangin. 

May biglang nagsalita sa aking likuran. "Elle, aalis na naman ako. Huwag mong subukang tumakas ulit kung ayaw mong may mangyari na namang masama." Pagbabanta ng nakatuksidong mama. "Hawak kita sa balikat."

"Yes, Dad." Muling tumulo ang aking luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan at pagdampi ng hangin sa aking katawan na parang bang ako'y yakap-yakap ng binatang naging tigasalba ko. Itinutulak at hinihila sabay sa indayog ng musika ng gubat, isinasayaw sa gitna ng bagyo.

| Binibini ni Zack Tabudlo |

Binibining Nakaputi | May 9, 2022 | Bannie Bandibas

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...