#KAMPIAktibidad
#4pics100words
Takas
Siya'y isang takas mula sa mundong tinatawag ng iba'y bilangguan. Sinubukan niyang sila'y aliwinin ng musikang isinilang mula sa sariling sinapupunan. Pinilit niyang mabago ang mundo gamit ang liriko ngunit siya'y nabigo.
Isang balita ang lumabas, siya'y natangpuang patay. Mula sa selpon, tumutugtog pa ang kantang walang titulong nakalagay. "Akala ko'y nakatakas na mula sa gulo, sa mundong ako'y bilanggo. Ngunit aking napagtanto, hindi ako lumiyas kundi ninakaw n'yo ako. Ang mundo ng musika ang aking tunay na tahanan, hindi ang mundong puro kasinungalingan. Akala ko'y makikinig kayo sa katotohanan ngunit nagbingi-bingihan, kaya uuwi na lamang. Sa inyo'y mamamaalam. Paalam."
No comments:
Post a Comment