Pahina
c: Pa—Pagpili
b: Hina—harap
b: Pagpili ng hinaharap,
sa pait ba o sarap?
c: Kahit sa bawat
pagkurap,
kailangan mong pumili.
b: Mga pahina ng buhay,
kabanata ng iyong
istorya.
c: Sa iyong paglalakbay,
hihinto na ba [o
mananatili?]:b
c: Bibilang ako ng lima,
b: apat,
c: tatlo,
b: dalawa,
c: isa—
Bubuklatin ang una...
b: Una kang tumapak
sa mainit na concretong
tapakan,
c: nakipagtulakan
hanggang
nakalusot sa makitid na
daan.
b: Nakarating sa silid,
pumasok, di
nagdalawang-isip.
Nanabik sa bagong yugto
na dati'y isa lamang
panaginip.
c: Ngunit iba ang akin,
pagkat takot ang nasa
puso ko—
subalit pinilit kong
pasukin
kahit di naman ako
sigurado.
b: Unang pagsusulit,
aking pinaghandaan.
Tumagaktak na ang pawis
ngunit hindi ko pa rin matagpuan.
Bente pesos, ika'y
nasaan? Maam, pwede bang ikaw na lamang ay bayaran?
At 'yon ang una kong
pagbagsak. Oo, ako'y umiyak
ngunit pagdamay ng mga
kaibigan
ay nagbigay galak.
c: Unang reklamo, mga
bagay na pinagtatalunan
Maliit na detalye
pinapalaki,
Fines, mga requirements
at pag-attend sa mga recognition na sakit ang dulot sa kalooban,
Sapagkat noong nakaraan
ako’y nakatangap ng ganyan.
b: Pangalawa. Financial
accounting,
totoong masakit sa ulo.
Standards and concepts,
nakalilito—
ngunit nagpatuloy ako.
Financial management,
nagmukha akong agent.
Sa solman at testbanks
ako'y umasa.
Salamat at binigyan mo
ng pag-asa.
c: Taxang daming dapat
memoryahin,
Ang daming thereshold na
dapat kabisaduhin
Yung tipong naabot ang
thereshold pero grade mo di umabot.
Yun bang pag sinabi na
ni teacher na “are with me?”
Nangangatug na agad
tuhod mo kasi ang kasunod recitation at ang ending remain standing.
b: Pagkakaibigan ay
lalong tumibay
'yong tipong nakikitulog
na sa bahay-bahay
matapos lang ang
requirements.
Kasama mo sila in your
hardest moments.
Akala mo kasi matalino
ka nang nilalang
dahil practice set ay
iyong nasagutan,
ngunit mas mahirap pala
ang ikalawang hakbang,
buti na lang may mga kaibigan
kang makakapitan.
Naging motibasyon at
inspirasyon
upang matapos ang iyong
misyon—
nagbigay ng bala sa
giyerang malaWorldWar2.
"Magtatagumpay ako,
magtatagumpay ako."
c: Ito rin yung mga
panahong tayo’y tumutuklas
unang sulyap, unang
iyak, umiyak at ang iba ay nagpa iyak.
Yung tipong gusto mong
humanap ng kamatch,
Sa BSIT kaya baka
sakaling maprogram nya ang magandang future namin,
Pwedi ring taga
Education baka sakaling maturuan nya akong magmahal ng tapat para sya lang
sasapat,
O taga Criminology kaya
mga matipo at matatapang na nilalang, Baka sa sakit ako’y kayang protektahan.
Bakit di nalang kaya sa
Accountancy baka sakaling makuha nmin ang tamang balanse.
Pero alam ko karamihan
Civil Engineering ang gusto, Kasi nga daw Accounts are meant for engineers,
sabay ang pagbabakasaling kaya nyang buohin ang magandang pundasyon ng isang
relasyon.
At nung panahong ika’y
pumalya at nasawi ang gamot ay “tara tagay muna”.
c: Pangatlo...
b: Pangatlong taon,
pangatlong giyerang
susuungin ko.
Advanced accounting ay
hindi biro,
Buti na lang nandiyan si
Dayag at Guerrero.
'Yong akala mong
nakaligtas ka na sa 1 at 2,
may part 3 pa palang
bubugbog sa 'yo.
Tila may dumaang mga
anghel at santo
nang biglang nagtanong
si prof ng "anong sagot dito?"
Nakatingin sa kisame,
tila naghahanap ng
butiki.
Parang mai-ihi
at pinagpapawisan ang
kili-kili,
Gusto ko na sanang
sumigaw ng "what the hell."
Buti na lang I was saved
by the bell.
c: Sobrang pagod, puyat,
sakit at pait na dinanas
Piniliko nang taposin
ang laban at ipagpatuloy ito sa ibang landas
From BSA to BSAT ito na
nga talaga siguro ang tinadhana ng maykapal
Di bali nang BSAT
lalaban pa rin hanggang huli.
Hindi man garantisadong
hindi na magreretake at on time gagraduate atleast may tatlong lettra pa ring
makakamit.
b: MagShift diay ka?
Magshift na lang pud ko eh.
c: ha? Ayaw uyy
b: Pang-apat...
c: Magpakatibay ka
Wag mo akong tularan,
kung ayaw mong pagsisihan ang labang iyong binitawan.
Nandyan ka na, wag
indahin ang pagod
Luha ay mapapawi,
Paghihirap at matatapos.
b: Oo nga, nandito na
rin ako,
ngayon pa ba ako susuko?
Di ba?
Pang-apat na taon ko na,
Laban pa, lalaban pa.
c: lumaban ka, humakbang
ka nang pasulong, andyan kana wag ka nang umurong
b: Pipiliin kong
magpatuloy
na may tiwala sa sarili
at
hindi lamang sa sarili,
Siya ang mauuna,
pananalig sa may likha.
c: Magkaiba tayo ng
daan, makaiba ang buhay na tatahakin.
Ngunit ang tagumpay mo
ay tagupay ko na rin
b: Magkaibang sasakyan,
Iisang pinaghuhugutan.
Lubak-lubak man ang
daan,
alam nating
makakarating.
b&c: Oo...
b: Panglima... Ang
dulo...
c: Nakarating na sa
dulo,
kahit hindi na ang dati
kong inasam
ay tatanggapin kong
maluwang
sa puso ang aking
tangan.
b: Nakarating na sa
dulo,
nagpakatibay at
nagtiwala
na maaabot ko ang mga
tala.
Heto na nga, heto na
nga.
c: Sa kabila ng
problema, emosiyon,
kalungkutan na sa utak
ko'y kumatay,
b: Sa kabila ng
pagkabaliw, depression,
at minsang pagsubok na
kitilin ang buhay—
c: Isa lang ang naging
dahilan
upang magpatuloy sa
paghakbang.
b: Sa kahinaan, ako'y
pinasan,
mga luha ko'y pinunasan.
b&c: Ang Diyos na
nagbigay sa akin ng buhay. Nagmahal sa akin nang tunay.
c: Sinablay,
sa damit ko'y nakasabit.
b. Diploma,
hawak ko na, nakakapit.
c: Pagbati...
b: Sa 'yo rin...
b&c: Marami mang
pinagdaanan at libong nabigkas na panalangin. Pangarap may nanatili o nilipad
na ng hangin, lumangoy sa karagatan o tuluyang nalubog sa buhangin,
makakarating ka pa rin, ano man ang piliin.
c: Ito ay para sa mga
taong, Nalagpasan ang mga hamon at nagtagumpay.
b&c: Isang pagsaludo
sa tapang n'yong taglay.
SKRINSYAT/LITRATO MULA SA BIDYO SA FACEBOOK |
No comments:
Post a Comment