Bannie | PleumaNimoX: HAGDAN

Search This Blog

Tuesday, May 19, 2020

HAGDAN

Hagdan

Paano nga ba maging mabuting kabataan?
Paano ba maipagmamalaki ng bayan?
Paano maging isang batang huwaran?
Halika't isa-isahan nating akyatin ang mga baitang.

Una, simulan mo sa iyong sarili.
Pagnilay-nilayan ang mga sabi-sabi
Tungkol sa 'yo, masama man o mabuti.
Alam mo na kung anong tama at mali,
Hindi gaya ng mali mong pagsugal
Sa pag-ibig na hindi ka naman mahal.
Yong pag-ibig na akala mong magtatagal,
Ngayo'y pagsisisi ang nagpapagal.

Pangalawa, kung tuluyan nang nabungkal
Ang totoong katauhan mo, magdasal
Na hindi na muling bumalik sa masukal
Na gubat na kung saan minsang naging hangal.
Mag-aral o di nama'y magpatuloy na mututo
Sa buhay at panatilihin ang pagiging makatao.
Huwag na huwag ka nang muling magpapaloko,
Sa mga dinura at napakong mga pangako.

Pangatlo, sigurado ka na bang ika'y natuto?
Pagpupugay kung ang sagot mo'y "oo."
Ngayon, isa lang ang aking maipapayo—
Sana'y sa mabuti mo lang gamitin ito.
Lahat ng karunungan ay nakatutulong
Ngunit depende pa rin kung saan ka susuong.
Piliing mabuti kung saan ka susulong,
Kahit sa iyo'y walang pumili, Dodong.

Pang-apat, bibigyan kita ng ilang mga tanong.
Pwede kang sumagot na labas sa kahon,
Ngunit babalaan kitang malalim ang balon.
Ang pinili mo ba'y nakabubuti o nakatutulong
Sa sarili, pamilya, pamayanan o bansa?
Ang pagpili mo ba'y hitik sa pagkatuwa?
Pumili ka ba ng daang magbibigay saya,
Hindi gaya ng kalungkutang dinulot ng iyong jowa?

Ito na ang huling baitang, ang pang-lima.
Gawin mo ang pinili kung diyan ka liligaya,
Ngunit sa tukso ay huwag kang magpapadala.
Panatilihing bukas ang tenga, nakadilat ang mata,
Pagkat ang pagiging mabuting kabataan
Ay pagiging isang mabuting mamamayan
Na may kaliwanagan ang mga gawa't paraan,
May dahilan, hindi gaya ng kanyang paglisan.

Kapag narating mo na ang dulong bahagi,
Palaging sa nakaraan ay sumilip sandali
Nang di makalimutan ang dating sarili—
Huwag magmamataas, paa sa lupa'y manatili.

SKRINSYAT NG BIDYO NG PAGTATANGHAL

FACEBOOK VIDEO

Hagdan | May 19, 2020 | General Santos City | Gensan Summer Youth Fest 2020 | 4th Place | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...