Bannie | PleumaNimoX: JOLINA

Search This Blog

Wednesday, May 27, 2020

JOLINA

Jolina

Kumusta ka na, Jol? Sana ay nasa mabuti kang lagay.

Ewan ko ba kung bakit ako napasulat. Gusto ko lang sigurong ipabatid ang kasiyahan ko noong isang araw, noong aksidente tayong nagkita sa paborito nating kainan. Di ako mapakali noon kasi agad kitang nakilala, ang mahaba mong buhok at makinis mong kutis ay gano'n na gano'n pa rin. Walang pinagbago. Nadagdagan pa ang kaba ko noong napatingin ka sa akin at ngumiti. Ang mayuming ngiti at kumiskislap mong mga mata ay walang kupas na nagpapakilig sa akin. Lumapit ka at ako'y kinausap, hindi ako makagalaw habang binibigkas mo ang mga salitang "uy, kent! Namiss kita." Bati mo sa akin at bigla kang tumawa. Siguro'y hindi na maitsura ang aking mukha sa sobrang pula. Ikaw naman kasi, ba't ganoon pa ang ibubungad mo sa akin?

Sabay tayong nag-order at nagulat akong pareho pa rin ng dati ang pinipili mo, pinipili natin. Isang pirasong "chickenjoy" at kanin, tiyaka isang "sundae." Inimbita kitang sumabay na sa akin kasi pansin kong wala ka namang kasama at agad mong tinanggap ang aking paanyaya. Ang saya ng gabing 'yon, puro kuwentuhan at tawanan. Sa dami ng napag-usapan natin ay naabutan na tayo ng pagsasara ng kainan.

Parang ayaw ko nang matapos ang gabing 'yon. Napuno ng pagsisisi ang aking isipan, takbo sila nang takbo na parang hindi napapagod. Sana hindi na lang kita iniwan para sa isang panandaliang ligaya. Sana hindi ko na lang binalewala ang pagmamahal mo kasi nasaksihan ko noong gabing 'yon na mahal na mahal mo pa rin ako. Ang saya sa mata mo ay siyang nakikita ko at naramdaman ko ang totoong kaligayahan.

Bigla akong bumalik sa ulirat nang may dumating na lalakeng pamilyar ang mukha. Tumayo ka, hinagkan at niyakap siya. Nalungkot ako sa natanggap kong balita. Bakit mo ko hinintay?

Patawad, Jolina. Pero parang huli na. Ikakasal na ako sa buntis kong kasintahan.

Ps. Pakisabi pala kay tito na salamat sa ipinanangako niyang regalo noong gabing 'yon para sa anak ko, natanggap ko na.

Kahit hindi ko matanggap ang nangyari, hindi na talaga maaari.

Nagsisisi,
Kent B.

POSTER NG KOMPETISYON


Jolina | May 27, 2020 | The Love Letter Wricon | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...