Krisis ng mga Puso
May kinakaharap na malaking krisis ang mundo,
halos ang mga bansa ay hindi napaghandaan ito.
Hindi natantsa kung anong magiging dulot nito
sa kanya-kanyang mga bayan at sa bawat tao.
Ngunit di napapansin at tila binabalewala
ang isa pang krisis na apektado ang madla.
Minsan pa'y tinatanggap na lang kaya lumalala,
krisis ng mga puso, mas mapanira kaysa pandemya.
Lumalabo ang pagiging makatao ng tao,
di na kinikilalang tao ang kapwa nito.
Nagiging marahas, mapanghusga, at negatibo—
ni hindi naisip kung anong magiging epekto.
Nagiging mas gahaman ang mga gahamang muta,
imbis na makatulong ay iniisip lang ang sarili nila.
Saan napunta ang pagiging patriyotiko't makabansa?
Nilunok na yata ang pangako sa watawat ng bansa.
Ngunit sa kabila ng krisis ay nariyan ang bayanihan,
ang ugaling Pilipino na maipagmamalaki ng bayan.
Kahit puno ng galit, mayro'n pa ring pagmamahalan
at pagkakaisa kahit pansin na lahat ay nahihirapan.
Magtulong-tulong hanggang sa ating makakaya,
iwasang maging balakid sa batas at polisiya.
Maiging sumunod na lamang sa ating lideratura,
para iwas gulo at ang nasasakupa'y maging payapa.
Ito ang mensahe ko sa bawat mamamayang Pilipino:
kakayanin natin ang malaking krisis ng buong mundo
kung uunahin nating ayusin ang krisis ng bawat puso—
krisis sa loob mo.
May pag-asang pang makalalaya rin tayo sa krisis na ito.
![]() |
KOMENTO NG HURADO |
No comments:
Post a Comment