Delailah
Genre: Romance/Teen
Fiction
Ruth: "Dee! Ingat
sa pag-uwi."
Me: "Sige! Jonas,
ihatid mo sa dapat paghatiran si Ruth. Baka masapak kita kapag may nangyari
diyan."
Jonas: "Opo, madam.
Hahaha. Kita-kits bukas."
Hay nako, nakakainggit
'yung magjowang 'yon. Anim na taon na silang sweet at ako, anim na taon na ring
bitter. Kung hindi lang bestfriend si Ruth, baka inagaw ko na Jonas. Hahaha.
(evil laugh) Ang pogi naman kasi. Simula noong nalaman kong sila na ni Ruth,
pinili kong wag na lamang umibig. Hinahangaan ko siya sa kabila ng
bali-balitang babaero siya. Nagtataka tuloy ako, nalalaman naman ni Ruth mga
ginagawa ni Jonas pero paano niya nasisikmurang balewalain ang mga 'yon? Ang
tibay niyang babae, kaya siguro binabalikan pa rin siya ni Jonas kasi kakaiba
siyang babae.
*Phone rings*
Me: "O, bakit
ma?"
Mama: "Pauwi ka na
ba anak? Bumili ka muna ng gamot sa botika doon sa may kanto, naubusan na ng
gamot ang tatay mo."
Me: "Opo nay."
*Droped call*
Sa botika.
Dee: "Ah miss, may
ganitong gamot po ba kayo?"
Tindera: "Teka lang
po, kukuha po muna ako sa bodega. Willing to wait maam?"
Dee: "Ah, yes.
Salamat."
As if naman may choice
ako, ito lang naman ang botika dito sa lugar namin.
Tiningnan ko ang relo
ko, ala-una na pala ng umaga. Kailangan ko nang makauwi agad. Nakakakilabot
naman kasi 'tong lugar namin. Ayaw kong maniwala sa mga chismis pero
nakakatakot pa rin.
Me: "Miss! May
ibibilis pa ba iyan?"
Guy: "Mitt! May
ibibilit pa ba iyan?"
Napalingon ako sa
lalaking naka-itim na hoodie, nakasalamin at napakaputi ng kutis. Hindi ko
maaninag ang kaniyang mukha. Lumalakas ang pintig ng puso ko, napakamisteryoso
niyang tingnan tsaka ang weird niya magsalita.
Tindera: "Maam,
kasama ni'yo po ba ang lalakeng 'yan?"
Bumalik ang aking ulirat
mula sa pagkatulala.
Me: "Huh? Ah,
hindi."
Tindera: "Ah, sabay
po kasi kayong dumating tsaka tanaw ko po kayo kanina sa malayo na magkasunod
sa paglalakad. Akala ko po boyfriend ni'yo."
Seryoso? Bakit di ko
siya napansin? Bigla akong kinabahan at nagmadaling kinuha ang binili kong
gamot.
Malapit na ako sa bahay
ngunit nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Bumigat ang mga paa ko at
napatigil ako sa paglalakad. Natatakot ako pero pinili kong lingonin ang
sumusunod sa akin. Pagharap ko sa kaniya'y nagulat akong na ang lalakeng nasa
botika kanina ang sumusunod sa akin. Maraming tumatakbo sa isip ko at
napabulyaw na lamang.
Me: "Bakit mo ako
sinusundan? Siguro manyak ka noh? Pinagnanasahan mo ako? Nako! Wag mo akong
subukan, baka hindi mo alam amazona ako. Sasaktan mo ako? Gagahasain?"
Napatingin siya ng
masama sa akin.
Guy: "Hindi."
Me: "At bakit
kanina mo pa ako sinusundan?"
Guy: "Hindi kita
tinutundan, ayon ang bahay namin."
Sabay turo sa bahay na
katabi lamang ng tinutuluyan namin.
Hindi ako nakaimik at
tiningnan siya. Ngumiti lamang ito, akmang lalapit sa akin.
Me: "Teka, 'wag
kang lalapit."
Napatakbo ako hindi
dahil sa takot kundi sobrang pagkapahiya. Nakaramdam ako ng inis sa lalakeng
iyon, ayaw ko ng napapahiya. Sinusumpa ko siya.
Pumasok na ako ng bahay
na hinihingal.
Mama: "Anak? Bakit
ka hinihingal?"
Me: "Ah, wala po ito ma. Nag-jogging lang ako
pauwi."
Mama: "Talaga? Buti
naman nagpapaka-healthy ka. Hindi mo ginagaya 'yung tatay mo. Nakabili ka ba ng
gamot?"
Me: "Opo ma, ito
po."
Mama: "Salamat
anak. Sige na, umakyat ka na. Magpahinga ka--papasok ka pa bukas. Good
night."
Umakyat ako ng kwarto at
napaupo sa kama. Malakas pa rin ang pintig ng puso ko. Hindi maiwasan na isipin
ang nangyari kanina pero mas naiisip ang lalakeng iyon. Napaka-charming niya
kahit mukhang emo. Matalino rin yata kasi nakasalamin. Tsaka no'ng ngumiti
siya, parang nakakita ako ng anghel. Hay, pinapantasya ko na yata. Makatulog na
nga.
Kinabukasan.
Mama: "Anak, gising
ka na ba? Ipinapatawag ka ng papa mo."
Malungkot ang mukha ni
mama.
Me: "Bakit ma?
Anong nangyayari?"
Mama: "Magpapahilot
lang yata. Puntahan mo na."
Me: "Sige po."
Naguguluhang tugon ko.
Sa kwarto ni Papa.
Me: "Pa?"
Maluha-luhang tawag ko sa kanya.
Papa: "O, anak.
Halika. May sasabihin lang si Papa."
Lumapit ako sa tabi ng
higaan niya.
Papa: "Anak?"
Me: "Pa?"
Tumahimik ang kwarto ng
ilang segundo.
Papa: "Kailan ka
mag-aasawa?"
Nagulat ako't napatingin
sa kanya.
Me: "Huh? Hahaha,
pa naman eh. Anong klaseng tanong 'yan?"
Papa: "Nako
Delailah, tumatanda ka na. Sinong mag-aalaga sa 'yo kapag nawala na kami ng
mama mo?"
Me: "Kaya ko na po
ang sarili ko. Tsaka gagawin ko ang lahat makasama ko lang kayo ng
matagal."
Mama: "Anak, 'wag
mo na kaming isipin. Hindi mo kami responsibilidad."
Me: "Pero
ma..."
Papa: "Anak. Isipin
mo ang bukas mo. Tandaan mo palagi, sa lahat ng magiging desisyon mo'y gamitin
ang utak ngunit pakikinggan mo rin ang puso. Dahil hindi lahat ng nararamdaman
ay naiintindihan ng isip. Minsan, ang pagpintig ng puso ang siyang bumubulong.
Sundin mo ang puso mo sa mga panahong hindi mo naririnig ang iyong isip."
Nagsimulang tumulo ang
aking luha.
Me: "Opo
papa."
Mama: "Ang drama mo
Jeremiah. Namamaalam ka na ba?"
Nagkatitigan lang si
mama at papa. Nakikita ko ang lungkot sa kanilang mga mata.
Mama: "Bababa na
ako."
Papa: "Sige,
magpapahinga na rin ako." Tumalikod si papa at humihikbing umalis si mama.
Sa labas ng bahay.
Me: "Ma, papasok na
po ako."
Tahimik kong isinara ang
pinto upang hindi magising si papa. Pagtalikod ko sa pinto ay nakita ko siya,
'yung lalakeng misteryo. Isinuot niya ang kanyang helmet at inihanda ang
kanyang motorsiklo. Napatingin siya sa akin at tila nagayuma ako ng mga titig
niya.
Guy: "Hi! Papatok
ka na? Hatid na kita?"
Nairita ako sa sinabi
niya. Hindi pa nga kami magkakilala, ganyan na ang offer niya? Manyak nga
siguro ito.
Me: "Ah, hindi na.
Naglalakad lang ako palagi, malapit lang naman kasi ang opisina namin
dito."
Guy: "Gano'n ba?
Tige, maglalakad na lang din ako." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Aba, ano 'tong ginagawa
niya? Balak niya na ba akong sundan palagi? Nagagandahan yata sa akin, hindi
naman nakapagtataka. Hahaha. Hayaan ko na lang kaya?
Me: "Sige, ikaw ang
bahala." Natatawa kong tugon.
Tahimik niya lamang
akong sinusundan. Parang nahihiya kameng pareho na magsalita. Hanggang...
Guy: "Kumutta ka na
Dee?"
Hala, stalker ko ba to?
Me: "Bakit mo alam
ang pangalan ko?"
Guy: "Ah, kaya
pala. Hindi mo na talaga ako naaalala."
Me: "Huh?"
Guy: "Tamton!
Remember?"
Hinalukay ko ang aking
memorya at sinisid ang dagat ng aking mga alaala.
Me: "Aha! Tamtam!
'Yung maikli ang dila at anak-araw."
Tam: "Grabe pagbati
naman 'yan. Lait ipangbubungad mo ta itang kaibigan."
Me: "Hahaha. Hindi
ko sinasadya. Nakakatuwa naman, kailan pa kayo bumalik?"
Tam: "Ilang araw na
rin ang nakalilipat. Hindi lang kita natitiyempohan. Kaya nga ang taya ko
kagabi noong nagkita tayo sa wakat. Hindi mo pala ako nakilala kaya ganoob ang
bungad mo ta akin."
Me: "Hehe, pasensya
na. Ang laki kasi ng pinagbago mo, lalo na ang itsura."
Tam: "Oo nga. Hehe.
Pero ikaw, wala kang pinagbago. Ikaw pa rin 'yung babae na naguttuhan ko."
Nagulat kameng pareho sa sinabi niya.
Me: "Huh?"
Kinikilig kong tanong.
Tam: "Ah ano...
Ahm... Gutto mong ikwento ko tayo ang naging buhay ko ta Amerika?"
Nagsimula siyang
magkwento sa mga naging karanasan niya hanggang pinag-usapan na rin namin ang
mga ala-ala namin noong mga bata pa kami. Ang saya ko noong araw na iyon.
Simula noon, araw-araw
na akong hatid sundo ni Tam. Tumatambay rin kami sa parke na nasa harap lang ng
bahay namin.
Me: "Bakit nga pala
kayo biglang umalis nang hindi nagpapaalam? Bigla na lang kayong nawala."
Tam: "Gutto kati ni
mama na patekreto kaming aalit, ewan ko ba kung may pinagtataguan kami o baka
dala lang tiguro ng trauma dahil ta pagkamatay ni papa. Alam kong may itinatago
tiya pero hindi na ako tumubok na magtanong."
Kinabahan at napatingin
ako sa nalulungkot niyang mukha.
Me: "Oo nga pala,
nalungkot din ako sa nangyari sa papa mo noon. Bakit kaya siya
nagpakamatay?"
Nagsimula na akong
makinig.
Tam:
"Hindi..."
Boses ng lalake:
"Dee!"
Me: "O, Gin?"
Gin: "Mag-usap
tayo." Sambit niya na seryoso ang mukha, galit na parang nagawa akong
kasalanan. Iniwan ko muna si Tam at lumapit sa kanya.
Gin: "Anong
ginagawa mo?"
Me: "Ano?"
Gin: "Alam mo kung
anong sinasabi ko."
Me: "Eh baka naman
maintindihan niya tsaka hindi ko 'yun kasalanan, hindi ako ang may gawa."
Gin: "Oo, hindi
ikaw ang may gawa. Hindi ako. Pero ng mga magulang natin."
Me: "Pero mahal
namin ang isa't-isa. Maiintindihan niya."
Gin: "Sigurado ka
bang hindi siya magagalit? Ama niya 'yun, pamilya. Ikaw, kaibigan ka lang.
Paano ka niya maiintindihan? Magagalit siya sa 'yo, lalo na sa mga magulang mo.
Kakayanin ba ng ama mo ang maaaring gawin ni Tam?"
Natahimik na lamang ako.
Gin: "Pumasok ka
na. Subukan mo siyang iwasan. Hindi kayo pwedeng magsama, sasaktan mo lang
siya."
Nagsimula akong maglakad
papasok ng bahay. Hindi ako lumilingon kahit tinatawag na niya ako. Pagpasok
ko'y sumilip ako sa bintana. Nakita ang pagpupumiglas ni Tam habang pinipigilan
siya ni Gin na lumapit sa bahay. Naaawa akong nakikita siyang umiiyak, pero
tama si Gin. Baka mas masaktan lang siya.
Kinagabihan.
Dumalaw si Ruth sa
bahay. Nadatnan niya akong umiiyak.
Ruth: "Nabalitaan
ko ang nangyari. Patawarin mo sana si Gin, hindi niya alam ang kanyang
ginagawa."
Me: "Hindi. Tama
naman si Gin. Hindi nga siguro kami ni Tam ang para sa isa't-isa."
Ruth: "Huwag kang
makinig sa mga kasinungalingang iyan Dee."
Kinuha ni Ruth ang
kanyang selpon at ipinakita ang kanyang kontaks na puro babae.
Ruth: "Kilala mo ba
kung sino sila? Mga anak na babae ng mga nautangan ng ama ni Jonas. Lahat ng
'yan ang dating may gusto sa kanya kaya ipinipilit siyang makipag-date sa mga
ito para mabayaran ang utang.
Ibinibigay niya ang mga
numero nila sa akin at sinasabing, kapag tumawag ang mga iyan sa akin--babalik
siya sa akin. Nagtitiwala ako kasi alam kong hindi magpapakulong si Jonas sa
nakaraan, sa nakaraan ng mga magulang niya. Kaya hindi ako nakikinig sa mga
chismis dahil alam ko ang totoo.
Nakakalungkot lang na
iba si Gin. Nagpakulong siya, kaya ngayon ay hindi na siya makalabas.
Kaya 'wag kang makinig
sa takot, takot sa nakaraang kasalanan. Kalaban mo ang mga iyan. 'Wag kang
maging si Delailah na nagtaksil kay Samson at nakinig sa mga kalaban. Lumaya ka
sa nakaraan. Pakinggan mo ang puso mo Dee. Pakinggan mo ang puso dahil minsan
'yan ang nagsasabi ng totoo."
Humagulhol na lamang ako
sa pag-iyak.
*Katok sa pinto*
Ruth: "Si Tam 'yan.
Kanina pa siyang naghihintay sa labas ng bahay niyo. Makipag-usap ka, alam kong
maiintindihan ka niya."
Pagbukas ko ng pinto ay
bumungad ang nakangiting mukha ni Tam. Kahit namumugto ang mata, dama ko ang
saya sa kaniyang mukha. Ngunit hindi ko napigilang maipakita ang lungkot.
Me: "Tam,
patawad."
Tam: "Para
taan?"
Napalunok ako ng laway
at nagsimulang magkwento.
Me: "Iyon ang
nangyari, kaya patawad. Kasi namatay ang papa mo dahil sa mga magulang ko, mga
magulang namin. Nakagawa sila ng kasalanan dahil sa isang maling akala.
Natakot ako na baka
kapag nalaman mo, magalit ka sa amin--lalo na sa akin."
Tam: "Bakit naman
ako magagalit? Alam ko ang kuwento. Nagawa iyon ng mga magulang niyo dahil
gutto lang nilang protektahan ang mga pamilya nila. Inakala nilang atwang si
papa kati katulad ko, kakaiba rin ang kanyang ittura. Ngunit nakaraan na iyon
Dee, wala nang tilbi ang magtanim pa ng galit."
Napangiti ako dahil sa
mga sinabi ni Tam. Hinila niya ako at niyakap.
Tam: "Hindi mo iyon
katalanan, kaya hindi ikaw, tayo, ang kailangang magbayad."
Me: "Tam... Hindi! Samson,
mahal kita."
Tam: "Mahal din
kita Delailah."
Napaisip ako.
Me: "Tam? Sana
hindi ka maghiganti."
Tiningnan niya ako sa
mukha.
Tam:
"Hindi..."
Biglang may kumalabog sa
loob ng bahay.
Mama: "Delailah!
Ang papa mo!" Sigaw ni mama.
Agad akong tumakbo
papunta sa kwarto ni papa at naabutan ko siyang nakahilata sa sahig. Hindi na
humihinga. Napaupo na lamang ako at umiyak nang umiyak.
Me: "Pa! Bakit?
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na
natupad ko na ang hiling mo?"
Umalingawngaw ng iyak sa
buong bahay maliban sa isa.
Napatitig ako kay Samson
na hindi makatingin nf diretso sa akin. Nagtaka ako at nagsimulang pumintig ng
mas malakas ang puso ko. Nahagip ng aking mga mata ang nakabukas na bintana.
Tumayo ako at napansing bukas din ang bintana ng kabilang bahay.
Napayuko ako at
nakaramdam ng matinding kaba. Ano nga ba ang dahilan ng malakas na pagpintig ng
aking puso simula pa noong unang araw ng muli nating pagkikita? Pag-ibig nga ba
o takot?
Tiningnan kong muli si
Samson at napabulong, "sana hindi ka maghiganti."
~wakas~
![]() |
LITRATO AT POSTER NG INYONG LINGKOD |
No comments:
Post a Comment