Bannie | PleumaNimoX: TELESKOPYO SA KALAWAKAN

Search This Blog

Sunday, February 27, 2022

TELESKOPYO SA KALAWAKAN

Teleskopyo sa Kalawakan

Minsa'y nagkuwento si inay ng aking kamusmusan,
kung paano siya nahumaling sa aking pagkinang.
Bawat pagngiti at pagtawa na walang pagdaramdam,
talang bagong silang—sabik ang lahat na masilayan.

Sa aking pagtanda't sa mundo'y nagkaroon ng muwang,
unti-unti kong naiintindihan ang kasikatan—
labis na pagtingala ng iba sa 'yong kakayahan,
pagkulimlim ng liwanag ay tiyak kang huhusgahan.

Nakapapagod maging bituing sinusubaybayan,
sa pagtawa—may nakakubli nang hikbi't kalungkutan.
Sawa na ang payasong walang tigil na sinusundan
ng teleskopyo sa mapagpanggap nitong kalawakan.

SERTIPIKO NG PAGKILALA

PASKIL NG TMS

TALA NG ISKOR

SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 40 )

SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 70 )

SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 109 )

SERTIPIKO NG PAGKILALA - INSPIRING PIECE

SERTIPIKO NG PAGLAHOK


Teleskopyo Sa Kalawakan | February 27, 2022 | Talang Malaya Sparkles | Pagsulat ng Tula | Most Inspirationational Piece | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...