Aking Sinta, ako sayo'y may ipagtatapat
na alam kong alam na rin ng sansinukob.
Noong ako'y nadapa at napuno ng sugat,
ikaw lamang ang siyang dito ay tumaklob.
Napawi ang aking pighati't lumbay na dulot
ng minsang pagkulimlim ng aking kalawakan.
Talang kumikinang at kamay na humablot
sa durog kong puso mula sa kadiliman.
Hindi ako magiging tagapagpinta ng titik
kung di dahil sa pagdanak ng iyong dugo—
nang ika'y umiyak at sa papel ay humalik,
nagkaroon ng kahulugan ang mabuhay sa mundo.
SERTIPIKO NG PAGKILALA
LITRATO NG LAHOK NA BAYBAYIN
PASKIL NG TMS
TALA NG ISKOR
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 15 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 20 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 30 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA ( TOP 37 )
SERTIPIKO NG PAGKILALA - BEST IN CREATIVITY
SERTIPIKO NG PAGLAHOK
No comments:
Post a Comment