#Poet3FinalRound
Patapon
Di na magpapanggap, di magkukunwari.
Di na lolokohin ang aking sarili.
Di na mangangako ng pangakong bali,
Pagkat di naman tinutupad sa huli.
Tumutulong nga ba ako o gahaman?
Ito nga ba ay para sa kalikasan?
Baka naman sa sariling kapurihan
Na uhaw, gutom, sabik ang karamihan.
Tunay nga ba ang iyong aksyon at galaw
O niluluto mo'y kanin, naging lugaw?
Piniritong isda, ngayo'y naging sabaw—
Sinisiguradong gawa'y natatanaw.
Purong ipokrito, pagpapasikat.
Nasikatan ang pangalan, di ang balat,
Nakikita'y tumutulong ngunit salat
Pa rin sa pagiging totoo, makunat.
Hanggang kailan ka magtatago sa kahon?
Hahayaan bang kalikasan'y mabaon
Sa limot pagdating ng takdang panahon?
Ligpitin na ang ugaling mas patapon.
No comments:
Post a Comment