Ako'y nauhaw,
kumuha ng baso,
pinihit ang gripo
ngunit nagmamatigas ito.
Pinilit kong pihitin,
pinihit nang pinihit.
Kahit buong lakas na ang ginamit,
ayaw pa rin magpapilit.
Hanggang sa bumulwak
ang tubig sa palanggana,
umagos, bumaha
pagkat hindi ko na maisara.
Lumabas si Nanay,
dala-dala'y walis tambo,
sa puwet ko'y ipinalo.
"Ano na namang ginawa mo?"
Binulyawan na naman ni Ina.
"Nagsasayang ka lang ng tubig."
Dagdag niya, sa puso'y kumabig.
Oo, gaya ng pagsasayang ko ng pag-ibig.
Hindi na sana pinilit,
hinayaan na lang sana—
kaysa bumulwak pa
ang tangang pagmamahal na hindi ko na maisara.
No comments:
Post a Comment