Hunyanga
Ang mga mata mo
ay sin-bughaw ng kan'ya.
Ang hugis ng mga ulo
ay magkakurba.
Ang mga binti
ay magkasin-liit
at mga labi
ay kapwa marikit.
Ang mga braso'y makinis,
alagang-alaga.
Ngunit ikaw lamang ay
kawangis,
hindi magiging siya...
Ang kaibigang
tinuring kong kapatid.
Tunay na kaligayahan
ay kaniyang hatid...
'Pagkat kalungkutan
ang alay mo sa akin.
Dulot mo'y kabiguan,
taliwas sa aking
dalangin.
Kaya...
Kailan ma'y hindi,
hindi magiging ikaw si
HUNYA—
o baka binibini,
'di na NGA siguro kita
kilala.
No comments:
Post a Comment