Dalah(iNa)
"ISANG DALAHIN NA
TINANGGAP MONG TUNAY.
Dalahing mabigat para sa
isang nanay
nang ang sanggol ay
iniluwal, buong lakas ang ibinigay
kahit ang isa mong paa
ay nakalubog na sa hukay.
Magandang nilalang na
nilikha upang umalalay.
Utak at kaalaman ang kan'yang
gabay,
puso at pananampalataya
ang saklay--
sa araw-araw ay
nananatili siyang matibay.
Ikaw, ang sa bawat
pagkurap nami'y nagbibigay saya at kulay.
Kapag nahihirapan ay
inaabot mo ang iyong mga kamay
para sa amin na labis
mong mahal ay dakilang yaman kang tunay.
KATUWANG NG DIYOS SA
PAGBUO NG BUHAY."
#PEGatSecond
#PEGATributetoHer
#PEGTULAyns
LITRATO AT EDIT NG INYONG LINGKOD |
No comments:
Post a Comment