Title: AyronikW
Written by: Bannie Bandibas
#LLCFlashFictionActivity
#LLCActivity3
"O, mahal! Ba't namumutla ka?" Tanong ni niko sa kanyang asawa na kakagaling lang mula sa trabaho.
"Ikaw ba naman ang makasaksi ng isang trahedya. Hindi ka ba mamumutla?" Pangbabara ni Rona. "May tumalon na isang bata mula sa taas ng gusali na kaharap ng pinagtatrabahuhan namin. Humandusay lang naman sa mismong harapan ko, kaya hinimatay ako sa sobrang gulat."
"Naku! Nakakalungkot naman, siguro ay napabayan iyon ng mga magulang. Kaninong anak daw?" Pang-uusisa ni Niko.
"Hindi ko na naitanong, dumiretso na ako dito sa bahay nang mahimasmasan ako." Sagot ni Rona sa asawa. "Pero narinig kong sinasaktan at nilalait daw yo'ng bata sa paaralan nila. Hindi siguro alam ng mga magulang kaya nakaranas ng dipresyon."
"Nakakaawa naman." Dagdag pa ni Niko habang inihahanda ang hapag. "Kumain na nga lang tayo."
"Tara! Pero teka... nasaan na ba yo'ng walang kwenta mong anak? Naku! Gusto na naman yatang makatikim ng sampal at palo iyon. Tawagin mo nga!" Galit na utos ng misis.
"Hayaan mo na iyon. Maghapon lang namang nagkulong sa kwarto kaya pinabayaan ko na lang. Sasakit lang ang ulo ko sa kunsumisyon. Lalabas din iyon kapag nagutom."
Nang uupo na sana si rona ay may napansin siyang nakatuping NAPKIN na nakalapag sa upuan. Binuksan niya ito at may nakasulat, isang liham mula sa anak. "Itay, aalis na po ako. Huwag po kayong mag-alala, magpapaalam din po ako kay nanay... Nagmamahal, Aya."
No comments:
Post a Comment