Bannie | PleumaNimoX: 02-05-2020

Search This Blog

Friday, February 4, 2022

02-05-2020

02-05-2020
ni Bannie Bandibas

Maligayang kaarawan sa iyo.
Nawa'y maging paalala ang araw na ito
na minsan kang naging biyaya para sa ibang tao
nang una kang umiyak at isinilang sa mundo.

Kung tatangis ka mang muli'y laging tatandaan
na sa minsan mong pagngawa'y may nakaalam
na nabuhay ka at mahalaga ang iyong kapanganakan
para sa kanila. Punasan ang mga matang malamlam.

Ang pag-ibig ng mga magulang ay talagang dakila,
ang tagumpay at mga ngiti mo'y kanilang tuwa
at kung sa panahon naman ng iyong pagluha,
yakap nila'y palaging nandiyan. Hindi pumapalya.

Kaya tahan na.


02-05-2020 | February 5, 2020 | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...