Kuwartong Maulap
“Kim, nasaan ka?" Tinawag ako ng nanay ngunit hindi ako umimik. Nanatili akong nakadungaw sa bintana ng aking silid na bitbit ang isang kandilang unti-unti nang natutunaw.
Araw-araw ay dumadating ang tatay na kumakatok lamang sa pinto kasabay ng pamumuo ng mga ulap sa pagsambit nito ng pangalang “Kimberly."
Gabi-gabi ay pilit pinapatay ng ulan ang sindi ng kandila ngunit niyayakap ko ito. Umaalingawngaw pa ang sigaw sa kalye, “ate Kim, baliw!"
Hindi ako baliw. Hindi rin ako si Kim. Hindi ko nga rin kilala ang aking kaluluwa na unti-unting nilalamon ng apoy ng aking kalungkutan, pag-iisa. Walang pamilya.
No comments:
Post a Comment