Di(yaman)te
"Pressure makes us diamonds"
Isang matalinghagang kataga.
Nangangahulugan na ang buhay ay hamon
Na kailangan ng sikap at tiyaga.
Isang salita ang agad kong naisip
Noong una kong marinig ito.
Hindi kasikatan, pagmamalaki o panaginip
Kundi isang ULING, uling tayo.
Uling na pinagtuunan ng pansin,
Halata sa nangingitim na paligid ng mata.
Kasi mula umaga hanggang pagdilim,
Nag-aaral at subsub sa pagbabasa.
Mga librong singkapal ng diksyunaryo
At nakakasira ng ulong mga aklat
Ay araw-araw na bitbit ng mga braso,
Ngunit di alintana ang bigat.
Dagdag pa ang pagka-ipit
Sa mga gawaing bahay at proyekto.
Feasibility study, report at exhibit,
Alin ang uunahin? Nakalilito.
Mayroon pang mga propesor,
Sa pagpapa-quiz ay hindi nagpapapigil.
Kapag mababa ang iyong score
Ay di maiwasang sila'y mang-gigil.
Pagka't hangad nila ang ating tagumpay
Sa bawat effort at pagpapasensosyo,
Kahit gaano man katigas ang mga ulo.
Kaya kung dama mong pinahihirapan ka,
O pini-pressure ka na lamang palagi.
Isipin mo na lang na maswerte ka,
Kasi intensyon nilang gawin kang diyamante.
Magkakaroon ka ng halaga,
Magiging globally competitive.
Kaya maging matibay ka
And let struggle be part of how you live.
'Pagkat ang tunay na yaman ay pinaghihirapan.
Ang tunay na yaman ay ang ating natututunan,
Mula sa paaralan o sa buhay man.
Mga leksyon na kailangan nating pahalagahan.
#JPIANight2018 [03-03-18]
No comments:
Post a Comment