#Dagli
Anghel
ni Bannie Bandibas
"Kamukhang kamukha mo talaga ang ama mo." Tinititigan ko ang matangos niyang ilong at mga mata.
"Pinapangarap ka lang namin dati pero ngayon nandito ka na. Isang anghel na nagpapasaya sa bahay na ito." Idinuduyan ko siya sa aking bisig habang kinakantahan at tinatapik ang binti.
Inaantok na siya't tuluyan na sanang makatutulog ngunit biglang kumalabog ang pinto. "Nandito na ako, aking anghel! Nandito na si papa." Dumating ang lalakeng pinakamamahal ko. "Hindi ka parin nagbabago, maingay ka pa rin."
Napatingin ako sa hawak-hawak kong anghel. Nagising ito at hinanap ang boses ng kanyang ama. "Halika, ako nang magbubuhat sa 'yo." Inabot ko sa kanya nang dahan-dahan.
Hinele niya ito, hindi niya mapigilan ang pagngiti. Nilibot nila ang buong sala habang sumasayaw. Tinititigan ko lamang sila. "Ang saya nila." Biglang pumatak ang aking luha.
"Mahal! Akin na siya, patulugin mo na si baby."
"Okay, Mahal."
"Ah, sir! Heto po." Sabay abot ko ng gatas.
No comments:
Post a Comment