Bannie | PleumaNimoX: KARNABAL

Search This Blog

Saturday, March 19, 2022

KARNABAL

Karnabal
ni Bannie Bandibas

Samahan mo akong mamasyal
Sa kahit saang karnabal.
Sa dami ng nagkalat ngayon--
Sa dami ng nagkakalat ngayon,
Tiyak mayroon kang makakasalubong
Na maipakikilala
Sa iyong pamilya
Isang di inaasahang pasalubong.

Yong tipong magkakabanga,
Matutulala
Magngingitian--
Mapupuno ng paru-paro ang tiyan.
Hanggang sa G ka na naman
Handa na ulit makipagsapalaran
Palarin sanang huwag nang masaktan
Sana’y mapagbigyan
Na nang kapalaran.

Mapalad ang mapagmahal
Yong tipong hindi napapagal
Patuloy, paulit-ulit na umiibig
Walang rides na makalulupig.
Hindi hihingi ng tubig
Kahit nasusuka na, ang bibig
Ay namumutla.

Titiisin ang pagkahilo sa pagtaas-baba
Ng roller-coaster na nagmamaldita
Totoyoin na lang bigla-bigla
Hampas doon, hampas dito--
Hinihila pakanan-pakaliwa.
Bobolahin,
Paiikutin
Ng matampuhing
Ferris wheel ni Aling Josephine.
Paakyat ay para kang liliparin
Tapos biglang ibabagsak
Kakapusin ng hangin
Ngunit patuloy na nakahawak. 

Kapit na kapit sa grills ng octopus,
Iniisip mo kung kailan matatapos
Pero matibay ang sikmura
Sisigaw ng “Tama na!”
Hanggang sa mamaos-
Subalit magtitiwala sa pagkagapos,
Mananatiling ligtas
Kung susunod ka lang sa kanyang batas. 

Pagbabawalan kang maglibang
Kung hindi siya ang kasama.
Mas mabuti nang may kapares sa pagduyan
At least sa dragonboat ay hindi ka na mag-isa.
Kahit nalulula na,
May kahawak-kamay ka--
Huwag ka lang humawak sa iba
O magpahawak sa iba,
Siguradong paghinto ng paglarga
May jowa ka pa. 
Di na muling huhugot sa umiikot na swing
Ng "Buti pa yong puso may saging" Huh
At "Puputulin ko na ang tao sa tayo kahit
Ang maiwan ay puro na lang bakit.
Tayo? Tao? Y? Bakit?
Hahayaang mapigtas ang tali ng brip
at pabayaang lumaylay ang mga toot na walang ahit."
Ay, ulit, ulit, ulit...
Hahayaang mapigtas ang nagdurugtong na tali,
Total di ka na rin naman nakakapit.
Wala na, tapos na,
Tapos na ako sa gan'yang eksena. 

Ang pagmamahal
Ay tulad ng karnabal.
Nakatatakot,
Nakakikilabot
Ngunit paglabas sa entrada
Alam mong tunay kang naging masaya
At mananatili ang giliw at pagkatuwa--
Tiyaka may nag-aabang na meryenda.



FACEBOOK VIDEO

YOUTUBE VIDEO

Karnabal | March 20, 2022 | Tea. Coffee. Break. | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...