Ang Tamang Pagbaybay sa
Pag-ibig na Tunay
ni Bannie Bandibas
Araw-araw kang nagdarasal
Na sa araw ng iyong kasal
Ay sa tamang tao ka nakasandal,
Iyong taong bigay ng May-kapal.
Baka
Kasi magkamali na namang muli,
Nakakatakot nang masisi at magsisi.
Maiwang nag-iisa at masisi ang sarili—
Magsisi na naman, kasi naloloko ka na lang palagi.
Da
han-dahan ka lang miss,
Pag-ibig ay wag basta-bastang ihagis.
Nako! Pag natusok yan ng matulis—
Baka maaga kang maging misis.
Eh
Sino ba kasing nagsabi na magmadali ka?
Natatakot kang maubusan ng majojowa?
Kasi lumalaganap na ang epidemya
Na maraming lalakeng nagiging bakla na?
Gaga ka gid Ha?
Indi ka gid pati sa akon?
Kapila man tika sultian og laparuhon
Na ang tanan naay tamang panahon?
Dali ra baya jud ka pakilig-kiligon.
La Man ko nag-ingun na dili pwede.
Ang ako ra, hinay-hinay ra te.
Unsaun man nang Dalagang Pilipina, yeah—
Nga ngisihan ra gani, mura nag kabugtuong pante.
Ayaw pagtinaNaNga-Oppa
Lage na, pero sigurado ba ka
Na dili ka pasakitan anang buanga?
Palihog ang kasing-kasing ikalma,
Basig ipalabay tika'g north korea.
Ramdam ko ang pag-aasam mo ng pag-ibig.
Lalanguyin mo lahat ng anyong tubig
Upang marinig ang boses ng iyong kahimig.
Sa sobrang rupok mo, destiny agad lahat ng natatabig.
Sa
sabihin ko sayo na hindi lang romansa
Ang magbibigay sa 'yo ng ligaya.
Maraming uri ng pag-ibig na palagi mong kasama
Ngunit dahil sa pagkabulag ay hindi mo nakikita.
Tau
Bagay, Hayop, o mga pangyayari
Ay maaaring ring sa 'yo ay magbigay ngiti.
Sa dami ng pagpipilian ay mapapagod kang mamili,
Ngunit hindi na kailangan dahil nariyan lang naman sila sa tabi-tabi.
Wa
la namang nagsabi na nag-iisa ka, inday,
Para maghanap ng isang taong makakasama sa buhay.
Marami namang nagmamahal sa 'yo ng tunay,
Tumingin ka sa kaliwa't kanan, sibog gamay.
Ya
kap namin ay magiging handa para sa 'yo
Sa tuwing kalungkutan ay madarama mo.
Kaibigan, kapamilya, kapatid man o kapuso—
Isa lang ang sigurado, palagi kaming nandito.
Ang tamang pagbaybay
Sa pag-ibig na tunay
Ay P-A-G-H-I-H-I-N-T-A-Y
Hanggang sa itakda ng Ama-
Na handa ka na at handa na siya
Na kulayan ang drawing na pag-ibig n'yong dalawa.
O. Ngiti ka na, walang jowa.
Itinanghal at isinulat para kay Insan Rhea Jane Misoles bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan.
ReplyDelete