Bannie | PleumaNimoX: MAKINIG KA KAY TITO BOB

Search This Blog

Thursday, November 21, 2019

MAKINIG KA KAY TITO BOB

Makinig Ka Kay Tito Bob

Makinig ka kay Tito Bob, 
iyong rayter na malakas ang loob
na tawagin kang walang alam,
tayo, tinawag niya tayong bobo. 

Pansin ko rin—
kasi hindi na tayo third world country
at marami na tayong maipagmamalaki. 

Magaling ang Pilipino
ngunit bakit iniiwasan nating matuto? 
Bakit ka natatakot sa aklat na to? 
Hindi ito ang paboritong libro ni Judas na maaring kumitil sa buhay mo.

"Aba, nakakabasa na pala ako?"
Yan ang mga linyang naisambit ko
noong una kong sinubukang magbasa, 
noong una akong tinuruan ni mama.

Ba't di mo rin subukan kaibigan
nang madagdagan ang natututunan?
Ani pa ni Ginoong Ong:
"walang taong di marunong, tamad lang."

Gayahin mo si kapitan sino
na may kasipagan kahit na sa peligro
ang bulsa. Subsub sa kahirapan
ngunit nagsusumikap gamit ang kanyang karunungan.

Isa siyang elektrisyan, 
gahol sa pera ngunit may kasiyahan.
Gayahin mo si kapitan—
dahil higit pa rin sa ipinanganak na mayaman ang lumaking may alam. 

At kayo naman po, 
mga butihin naming guro. 
Sa institusyong kinabibilangan ko, 
tulungan n'yo kaming lumago—

Oo, baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino
ngunit kapag may gabay, landas nami'y di liliko. 
Di namin kailangan ng mga katagang
"bawal tumawid, nakamamatay,"
mahirap pasunurin ang pinagbabawalan.

Ba't di n'yo sabihing, 
"tumawid sa tamang tawiran."
Asahan n'yong 'yan ay tutugunan
pagkat alam namin na alam n'yo ang tamang daan.

At para sa lahat, 
makialam tayo. 
Huwag lunurin ang sarili sa mga laro
sa selpon at kahit anong elektroniko—
subukan mong magbasa gamit ang mga ito
nang di naman masayang ang oras mo. 

Makinig ka kay tito,
dahil walang namang Pilipinong Bobo.
Tamad lang.

LITRATO NG PAGGAWAD NG PARANGAL

*Certificate of Participation*

Makinig ka kay Tito Bob | November 22, 2019 | Ramon Magsaysay Memorial Colleges - General Santos | International Book Week - Spoken Word Poetry | Partisipante | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...