1: Hi, Wish!
B: Bakit ka nag-stay?
2: Nagsimula tayo bilang magkaibigan
sa pag-aakalang sana balang-araw
maging magkaibigan tayo,
na baling araw mabubuo ang tayo.
1: Nagsimula tayo sa posibilidad na ganyan,
unti-unting lumaban sa bawat pagsubok.
Unti-unti, paunti-unti hanggang sa kumonti
ang mga rason para manatiling magkaibigan tayo.
2: Nagtapat ako sa 'yo, eksakto...
Eksaktong alas otso, otso kasi ang maswerteng numero.
Wish, sa bawat pagngiti mo.
tila ba nakamtan ko na ang kahilingan ko.
1: Nagtapat ka at sa bawat araw na tayo’y magkasama, nagiging mas maalaga ka...
Na sa bawat oras na nariyan ka, nais kong pahintuin
ang mga kamay ng orasan upang tayo’y mas tumagal pa.
2: Mabagal, pabagal nang pabagal
ang oras na magkasama tayo,
dahan-dahan ay mas nahuhulog ako sa ‘yo
pero bakit bigla kang nagbago?
1: Hindi naman ako nagbago nang walang dahilan,
hindi naman ako magkakaganito
kung sa bawat pagtitig ko sa mga mata mo
nakikita ko pa rin ang anino ng nakaraan mo.
B: May mga bagay sa mundo na pilit man nating itago...
Hindi maaari.
May mga bagay na pilit man nating kalimutan,
parang sirang plaka, paulit-ulit lang na bumabalik.
1: Sa kuwento nating dalawa,
may isang karakter sa dating mga pahina mo.
Nakakaiinggit siya, Wish, sapagkat siya yung minahal mo noon nang sobra
At tila ba may kapangyarihan siya ngayon na kunin ka na lang nang basta-basta.
2: Bakit mo naman kasi kailangan basahin
ang libro ko, ang aklat namin?
Bakit mo pinipilit na ang mga pahinang iyon ay punitin
at isiksik sa librong binubuo natin?
Di naman kailangan. Di ba?
B: Pilit man nating kalimutan ang nakaraan,
hahabulin pa rin tayo nito sa kasalukuyan.
2: Kung ganoon, ba’t di na lang tayo tumakbo?
1: Pilit man nating takasan ang nakaraan, mapapagod lang tayo sa katatakbo.
2: Ayaw ko!
1: Bakit?
2: Kasi natatakot ako.
Kasi sa bawat pagbalik ko sa nakaraan,
nararamdamna kong nagiging tuta na naman.
Sunud-sunuran.
Parang isang ibon na nasa kulungan
na bukas naman ang pintuan
ngunit ayaw tanggapin ang kalayaan...
At tulad mo. Natatakot ako
na maiwan ka.
Dahil alam ko na siya pa rin ang aking pipiliin kahit di ko pilitin.
1: Sa ‘yo na rin mismo nanggaling, Wish.
No'ng una pa lang, unang beses ka pa lang nagtapat,
sabi ko sa sarili ko'y “siguradong masakit to”
pero sumugal ako, sumugal ako sapagkat sinabi mong tapos ka na sa kanya.
B: Takot ka. Natakot tayong dalawa
pero sa halip na lumaban, mas pinili nating huwag na lang.
1: Kung ganyan lang naman pala ang magiging katapusan...
Wish,
Bakit ka nagstay?
1: Kasi ayaw ko nang
masaktan.
Marupok ako wish
at ikaw ang sa aki’y
sumasalba.
Ang mga panahong kasama
kita
ay tinatabunan ang mga
ala-ala niya.
sa ‘yo ako nakahihinga.
Oo, Wish,
panakipbutas lang kita.
Patawad.
Patawarin mo sana.
(Silenced)
Pero nagtataka ako.
Alam mo na rin kung saan
ito patungo
pero bakit ka nag-stay?
1: Kasi... Bakit hindi?
Pinili kong manatili
sapagkat naniwala ako.
Alam kong imposible pero naniwala
ako,
naniwala ako sa mga sinabi mong tapos na kayo.
Naniwala ako kasabay ng mga sana...
Sana sa pagbalik niya, ako ang pipiliin mo.
Na mas pipiliin mong ipaglaban
ang tayo at isuko na ang kayo...
Pero nagkamali ako.
Naging mahina ako, alam kong
sa simula pa lang, ako na ang talunan sa larong 'to
pero sumugal ako kahit alam
ko na ang katapusan.
Mali bang umasa,
Mali bang maniwala?
Nasaktan ako,
Ginamit
mo ako,
Nagpagamit ako
kasi mas
pipiliin kong masaktan lumigaya ka lang.
2: Wish?
B: Sana nga.
Unang pagtatambal namin ni Cristy sa labas ng paaralan. Maayos naman kaso hindi ako kuntento sa performance ko kaya isang beses ko na lang inulit at huli na iyon kasi pumalpak ulit.
ReplyDelete