Po?
Anong kaya kong gawin
para sa pag-ibig?
Kaya ko pong tiisin ang
pangungulila,
Tiisin ang lungkot ng
hindi siya nakikita.
Kaya ko pa ring ipadama
na mahal ko siya
Kahit magkabilang dulo
ng mundo ang pagitan naming dalawa.
Anong kaya kong gawin
para sa pag-ibig?
Kaya ko pong magbigay ng
oras at panahon.
Makausap siya sa tuwing
may pagkakataon.
Kung pwede ko lang
ilagay ang sarili ko sa kahon,
Ipatangay patungo sa 'yo
at kalabanin ang mga alon.
Ngunit hindi. Hindi
maaari.
Pagkat minsan lang sa
isang taon ako pwedeng umuwi.
Ngunit bakit sa isang
minsan ay ganito pa ang mangyayari?
Di mapakali. Parang may
mali.
Anong kaya kong gawin
para sa pag-ibig?
Kaya kong titigan ang
iyong mga ngiti mula sa malayo,
Ngiting huli kong
nasilayan no'ng sinagot mo 'ko—
Bago yong araw na
kinailangan kong lumayo.
Akala ko matitiis mo.
Akala ko matibay tayo.
Ngunit naghanap ka ng
bagong kasiyahan.
Nakahanap ka ng sa puso
mo'y aalayan
Kahit ang puso ko'y iyo
pang tangan—
Ganito na pala kadaling
maging salawahan?
Naisip ko rin namang
umalis na nang tuluyan
Pero hindi tamang ikaw
ay iwanan
Nang walang paalam.
Alang-alang sa
pinagsamahan,
Ihahatid kita
Doon sa lugar kung saan
ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang
kasama.
Ihahatid kita.
Walang mangungulit at
wala nang magagalit.
Wag kang mag-alala,
ihahatid kita.
Anong kaya kong gawin
para sa pag-ibig?
Kaya ko pong pakawalan
ang mga nais kumawala
Ngunit pasensya na.
Pasensya na.
Ang ragasa ng damdamin
ay di ko napigilan,
Patawad ngunit ang
nagawa ko'y di ko pinagsisihan.
Tinupad ko naman ang
pangako kong sa 'yo ay magpapaalam
At ihatid kita. Hinatid
kita sa huli mong hantungan.
Paalam.
Hatid (Solo) | April 7,
2022 | Asian
Tounge | Bannie
Bandibas
Po?
Us: Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Cris: Kaya ko pong tiisin ang pangungulila,
Tiisin ang lungkot ng hindi siya nakikita.
Kaya ko pa ring ipadama na mahal ko siya
Kahit magkabilang dulo ng mundo ang pagitan naming dalawa.
Us: Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Ban: Kaya ko pong magbigay ng oras at panahon.
Makausap siya sa tuwing may pagkakataon.
Kung pwede ko lang ilagay ang sarili ko sa kahon,
Ipatangay patungo sa 'yo at kalabanin ang mga alon.
Ngunit hindi. Hindi maaari.
Pagkat minsan lang sa isang taon ako pwedeng umuwi.
Ngunit bakit sa isang minsan ay ganito pa ang mangyayari?
Di mapakali. Parang may mali.
Us: Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Ban: Kaya kong titigan ang iyong mga ngiti mula sa malayo,
Ngiting huli kong nasilayan no'ng sinagot mo 'ko—
Bago yong araw na kinailangan kong lumayo.
Akala ko matitiis mo. Akala ko matibay tayo.
Cris: Ngunit nakahanap ako ng bagong kasiyahan.
Nakahanap ng sa puso ko'y aalayan
Kahit ang puso ko'y iyo pang tangan—
Ganito na pala kadaling maging salawahan?
Ban: Naisip ko rin namang umalis na nang tuluyan
Pero hindi tamang ikaw ay iwanan
Nang walang paalam.
Alang-alang sa pinagsamahan,
Ihahatid kita
Song: Doon sa lugar kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama.
Ihahatid kita.
Walang mangungulit at wala nang magagalit.
Wag kang mag-alala, ihahatid kita.
Us: Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Cris: Kaya ko pong pakawalan ang mga nais kumawala
Ngunit pasensya na. Pasensya na.
(Sabay alis)
Ban: Ang ragasa ng damdamin ay di ko napigilan,
Patawad ngunit ang nagawa ko'y di ko pinagsisihan.
Tinupad ko naman ang pangako kong sa 'yo ay magpapaalam
At ihatid kita. Hinatid kita sa huli mong hantungan.
Paalam.
Ang solo ay sa Asian Tongue na una akong kumanta sa araw ng Valentine's. Ang duet ay kinabukasan sa La Terraza na magulo ang pagtatanghal. Basta magulo.
ReplyDelete