Bannie | PleumaNimoX: PUTING SAYA NI LIGAYA

Search This Blog

Friday, June 19, 2020

PUTING SAYA NI LIGAYA

Puting Saya ni Ligaya
ni Bannie Bandibas


Malalim na ang gabi, bitbit ko'y isang supot ng gabi--
Sa kabilang kamay nama'y pulang lobo na sa iyo'y aking ipangreregalo
ngunit iniwan mo akong parang lobo
o parang aso na walang tigil sa pag-ungol. Nagbabakasakali.

Binasa ng luha ang aking mga mata't unti-unti nang nawawalan ng sigla
habang binabasa ang liham ng pamamaalam mo.
Nanginginig, di makatayo, nahuli ng lungkot ang puso.
Huli na, pagkat natapos na ang tayo. Di na liligaya...

Ngunit mali ako. Kaya ko pa ring makadama ng tuwa.
Gaya ng inakay na inaakay, mapapanatag ang puso.
Gaya ng mga batang naglalaro sa ilalim ng puno
ay mapupuno ng galak at mahahanap ang sigla.

Gaya ng puting saya ni Ligaya, tatawa akong muli,
May kalakip na dalisay at walang singtamis na ngiti, sigurado.
Di kailangang maging mahal ang magmahal sa mundo,
Maging bukas lang sa sarili na bukas ay kasyang kasiyahan na ang sukli.

#TNMS4ROUND1



Puting Saya Ni Ligaya | June 1, 2020 | DYO Writes Page | DYO – TNMSeason4 | Partisipante | Bannie Bandibas

1 comment:

  1. Sa group chat lang yata ito na pinasa na piyesa. Hindi ko maalala kung para saan pero isa itong lahok o bahagi ng isang kompetisyon. Nagandahan ako sa pagkabuo nito, kahit pakiramdam ko'y kulang o may mali, natutuwa ako sa piyesa kong ito.

    ReplyDelete

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...