Kaninong Karapatang
Pantao
ni Bannie Bandibas
Sa paligid ay nilibot ko ang aking mga mata.
"Anong nangyayari?" Naguluhan nang di sadya.
Laganap ang mga pag-aaklas at kilos-protesta.
"Karapatan naming mapakinggan!" Sigaw nila.
Sa kabilang banda'y nagtipon, mga liderato.
Hawak nila'y mga adhikain na kusang binuo.
"Mapagbigyan ang ninanais ay karapatan ko
At ito'y para rin naman sa ikabubuti ninyo."
Nilunod ang isip sa banggaan. Napagitnaan.
Nag-iwan ng tanong. "Sinong aking papanigan?"
Ito'y masasabi pa ba nating pantaong karapatan
Kung nagiging resulta ay ang ating sariling kasiraan
Nagmumuni-muni't sa malayo'y biglang napatingin.
Natanaw ay musmos na nakabalot sa puting lampin.
Sa kanya na walang boses at posisyong inaangkin,
Ang karapatang pantao ba'y inyo ring diringgin?
May karapatan nga ba tayo? Kahit nga ang ipaglaban ang karapatan natin ay wala tayong karapatan.
ReplyDelete