Sandata
ni Bannie Bandibas
Nagimbal ang buong bansa
Sa pagdating ng sakuna.
Delubyong di nakikita ng mata
Kaya nagbigay ng pangamba.
Dumaan ang ilang linggo,
Tila unti-unting nang natatalo.
Marami na ang apektado,
At dumadami pa ang natitiklo.
Ngunit ang hindi nalalaman
At naiintindihan ng ilan
Ay may sandatang nakalaan
Na labis na makapangyarihan.
Isang bayang pinagbuklod,
Dugong Pinoy na di paaanod.
Tanggalin—mga nakaharang na bakod,
Sabay-sabay tayong lumuhod.
Bukas, gigising tayong nakangiti,
Saya sa mukha ang mamumutawi.
Kung magpapatuloy ang mga labi
Sa pagdarasal, pag-asa'y mananatili.
Gusto ko lang talagang magdasal nang panahong ito. SUmulpot ang isang patimpalak sa gitna ng pandemya kaya sinalihan ko para ipahayag ang kagustuhan kong magdasal. Baka pwede at kayang ipagdasal na lamang ang lahat ng nangyayari.
ReplyDelete