Bu(hangin)an
ni PleumaNimox
Nakatitig ako sa BUAN,
Naaalala ang iyong mga ngiti.
Ang bawat tampuhan,
Na napapawi ng mga halik sa pisngi.
Naaalala ko ang mga panahon,
Sa tuwing umuuwi ka sa ating baryo.
Summer na, ika'y magbabakasyon--
Inaabangan ang pagdating mo.
Ngunit wala akong nasilayang "ikaw",
Ikaw na kasama ko sa tabing-dagat.
Ikaw na sa aki'y pumupukaw,
Upang maagang maglayag sa dagat.
Gaya ng bangka,
Tinangay ka na rin ng HANGIN.
Papalayo sa pagkabata,
Papalayo sa akin.
Hindi na ikaw ang prinsipe
Ng ating kastilyong buhangin.
Hindi na ikaw ang hari,
Mula sa pagkabata'y dalangin.
Ngunit maghihintay ako dito
Sa kung saan mo ako iniwan.
Hahayaang matambakan ng bato
At buhangin sa BUHANGINAN ng ating nakaraan.
#LeSorellePublishing
#QuattroClub
#SummerTheme
Maganda ang kwento pero tulad ng lilim ay kinulangan din ako, kinulangan din siguro ang mga hurado kaya hindi natanggap.
ReplyDelete