#MMTula
#TeamPLA
Para sa mga Makukunat
ni Bannie Bandibas
Mandurugas na may balbas,
Akala mo kung sinong Onesto.
Kwento'y masyado nang gasgas,
Ulitin ma'y di na epektibo.
Kalyo sa pisnge'y pakitabasan,
Uhog ay kailangan na ng punas.
Nasaan na ba ang katapatan?
Anong gamot sa sakit ng ahas?
T*ng-*na, saan ka ba humuhugot
ng kakapalan ng mukha?
Sarap mong tirisin na parang surot
nang di na makapanloko pa.
No comments:
Post a Comment