Bannie | PleumaNimoX: NATATANGI

Search This Blog

Monday, November 30, 2020

NATATANGI

Natatangi
mula sa panulat ng Editor ng Alimpatakan

Naglalayag patungo sa tinatangi
kong baybayon, pauli sa imo.
Napapahimas sa tiyan, dili kalibanga,
tila nilulusob lang ng mga paruparo.

Hindi na ako muling mag-iisa,
natagpuan na ang aking kasangga.
Kahit marami ang hindi nakaiintindi
sa akin, ika'y handang umunawa.

Patawad kung nahihirapan ka
dahil hindi ko masagip ang aking sarili,
At minsan pa'y nagpapaniwala
sa mga bugal-bugal at mapagkunwari.

Sa mundong napakaingay, ikaw
ang aking kamingaw at katahimikan.
Sa pagsubok na makatakas mula sa selda,
ikaw ang sandalan.

Nang ako'y kumatok, bigla mong
pinagbuksan ng pinto at bintana—
kaya nais kang alayan ng harana,
ituturing kang isang prinsesa.

Hindi ka namimili, Juan man
o Maria ay tinatanggap mo.
Hindi ko na kailangang maging si Kupido,
nauna mo nang mapana ang puso ko.

Ang bawat pagdanak ng tinta 
at pagguhit ng lapis
ay nagpapaalalang ang mga kuwento
ko't tula ay minamahal akong labis.

#SOXZineFest2020 #AlimpatakanZine #WritearsSheet

POSTER NG SOX ZINE FEST 2020

Natatangi | December 1, 2020 | SOX Zine Fest 2020 | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...