[π]
Two of Two
BUKAS. MALAYA. PANGAHAS.
[π]
One of Two
I don’t
personally know Karlo Noble, basta’t bumili lang ako ng ebook copies ng mga
likha niya kasi somewhat gusto kong sumuporta sa mga lokal na manunulat at
makatulong sa munti kong paraan pero generally—hindi ko alam kung bakit, dahil
siguro nakyuryos ako sa mga pamagat at nahiwagaan sa mga likha niyang sining biswal.
Marunong Din
Palang Tumula Ang Mga Aswang | Sagana sa pigura at mga imahe ang mga tula at
kwento sa publikasyong ito. Naka-eengganyong basahin dahil sa epekto nitong kumakalikot
sa isip ng mambabasa. Kahit may mga pagkakamali sa aspetong pormal na pagsulat
ay hindi ito nakaapekto sa laman. May istorya, malinaw ang takbo ng mga
kaganapan sa bawat piyesa.
--Banuy
PANOORIN| Naging maagap ang palitan ng kaalaman ng mga tagapagsalita at mga nakilahok sa inilunsad na Mugna 2023—Zine Fest noong ika-dalawampu't apat ng Mayo sa rooftop ng University Library ng Mindanao State University-Gensan.
MUGNA 2023
https://fb.watch/kKNCXxsFcE/
Youthcaster | IDA PANGATO
Newswriter | BANNIE BANDIBAS
Clips | BANNIE BANDIBAS & IDA PANGATO
For News Coverage and Updates, Like And Follow Voice Of The Youth Network. Just visit Voice of the Youth Network and VOTY News Network - VNN
#VoiceOfTheYouthNetwork #VOTY #youthmedia #VNN
Pulang Lobo
Ako na may pulang lobong tinangay sa kalangitan,
Kahit piliting habulin ay hindi na maaabot
Gaya ng guhit sa labing tuluyang kinalimutan.
Sa simula ay napuno ng halakhak at tawanan,
Nagdiwang sila't hindi na maawat hanggang nalimot
Ako na may pulang lobong tinangay sa kalangitan.
Ako ay pinagkaitan ng tangi kong kasiyahan—
Wala nang ibang hiningi, iyon lang ngunit hinablot
Gaya ng guhit sa labing tuluyang kinalimutan.
Mga mata'y kumulimlim hanggang dumating ang ulan,
Nagtampisaw sa sariling luha't tinuring na salot
Ako na may pulang lobong tinangay sa kalangitan.
Naiparinig ang kulog na dala'y katotohanan
Pagkatapos mabulag ng reynang kidlat na madamot
Gaya ng guhit sa labing tuluyang kinalimutan.
Madaya ang kapalaran, binurang kaligayahan
Sa mukha ng batang ito, akong sinakop ng lungkot—
Ako na may pulang lobong tinangay ng kalangitan
Gaya ng guhit sa labing tuluyang kinalimutan.
#FWLCOMEBACKACTIVITY6
Tulang Villanelle
Tabi-tabi Po
"Lito, umutang ka nga kina Aling Bebang ng mantika." Nakatatakot lumabas sa gabi ngunit nilakasan na lamang ang loob kaysa naman mapagalitan. Sa bawat hakbang, sambit niya'y "tabi-tabi po." Binalewala ang mga boses sa paligid.
Nakabalik nang ligtas si Lito ngunit wala nang naabutan. Nakabukas ang telebisyon at saktong nakita sa balita ang pamilyang nakasakay sa bus na may nakasulat sa gilid, "Bakasyong Langit." Nadama'y galit.
"Paano mo sila gustong mahimlay?" May bumulong.
"Tabi-tabi po."
#FWLCOMEBACKACTIVITY6
Dagli
Bato-bato-pik
Basagin pang kalaro, talunan pa rin.
#FWLCOMEBACKACTIVITY6
Anim na Salitang Kuwento
π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...