Bannie | PleumaNimoX: A REVIEW ON: THE BEST OF SULAT SOX

Search This Blog

Wednesday, April 10, 2024

A REVIEW ON: THE BEST OF SULAT SOX

π

Lobo At Buwan—Good imagery pero hindi napanindigan ang titulo, sumubra sa linya subalit kinulang sa representasyon. Repetition of words, payabungin ang bokabolaryo.

Yurak—May mainam na pamagat para dito, hindi naipaliwanag o naikuwento ang "yurak." Paulit-ulit na ideya pagkat hindi naipadaloy nang maayos.

Hindi Kita Kayang Mahalin—Parang batang natututo pa lamang magsalita. Walang bantas, ito ang mali ng ibang nagsusulat ng reverse poetry. Hindi ikasisira ng estraktura ang pagbabantas.

Mababasa Rin ang Lupang Tuyo—May mga linyang naisingit lang o hindi akma sa kabuuang tema at walang naibibigay na pangangahulugan kay lumabo ang tula. May may mabubuo pang maayos na pamagat para rito na tiyak sasalamin sa tula, kinulang sa akit.

Mahaba Pa ang Gabi—Nasobrahan sa bantas at hindi naisaayos. Hindi napanindigan ang imagery, may mga linyang hindi angkop ang metapora.

A Book without a Cover—Rhyming. A Book Without Cover.

Hymn of the Shattered—Ugh. Kagilok. Worth a read.

Pagtaliwan—Sweet. Ngilngig. Another worth a read.

Sulat Sang Paglaum—Napanindigan ang estraktura ng tulang inilahad. May ilang problema sa bantas ngunit hindi nakaapekto sa kabuuang kagalingan ng akda.

008 A.E. (After Earth)—The Beast, always...

Unsaid Feelings at 3 AM—Langi pa more. Nice piece.

Putol na Ligaya—Kalingaw. Goods.

Buhay sa Likod ng Baril—Masalimuot. Masyadong maraming nangyari, pero kwento mo yan. Hahayaan na kitang magpaliwanag.

Balik-Tanaw—May mainam pa sigurong pamagat para rito. Hindi na bago.

Sampung Platito—Hindi napanindigan ang pamagat, isang beses lamang sumulpot at hindi na nasundan.

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...