Bannie | PleumaNimoX: October 2015

Search This Blog

Saturday, October 3, 2015

PANGALAN NG MANUNULAT

Bannie Bandibas

    Marami akong naisip noon na maging pangalan sana, penname kung gaba, at nagsimula ako sa medyo weird at pinaglaruan kong pangalan mula sa dalawang salita. NUMISTMANUNULA, mula sa dalawang hilig ko na pangongolekta ng mga barya at perang papel, at pagtula. Ang mga salitang iyon ay:

  • NUMISTMATIST - someone who studies or collects coinspaper money, or medals.
  • MANUNULA - isang taong may talento sa pagsulat o pagbigkas ng tula.
    Nang tumagal-tagal ay naisipan kong palitan ito ng pangalang may mas malawak na sakop dahil ninais kong madiskubre at subukan ang iba pang uri ng literatura. Naging PLEUMANIMOX, nanatiling weird at nagmula pa rin sa ilang salita na pinag-isa.

PleumaNimoX
(*Pl[e]um*a){\Ni/m}o\x/
1. (Pluma) - Pen
2. [e] - editor (kunEho)
3. *Pleum* - name of a Thai singer (V.R.P Kamikaze - First Date Project "I Can't" ft. Cnan)
4. {Nim} - from my previous (but still used) penname "NumIstManunula"
5. /mox/ - (Moron, Oxy) Oxymoron
6. \Nimo\ - Sayo (tag), Your (eng)
7. PluemaNimoX - (Pen Your Not) Not Your Pen

    May ilan rin akong pangalan na ginagamit bilan pen name sa mga isinusulat ko gaya ng:
  • CARAMEL PUFFS
  • BANUY
  • KUNEHO
    Nice meeting you...


My First Writer Logo




Friday, October 2, 2015

NO'NG AKO'Y ISA PANG BUBWIT

No'ng Ako'y Isa Pang Bubwit
(Sanaysay)

    I am a keeper, nasanay at kinahiligan kong magtago ng mga bagay na may halaga para sa akin. Mula sa mga papel hangang sa mga bagay na minsa'y para sa isang karaniwang tao ay basura na. Paper cups ng kape sa 7/11 noong una akong nilibre ng kape at tissue sa Jollibee kasama ang isang naging importanteng tao, hindi na imporatante kung sino basta nanatili siyang tao. Itatapon mo na siguro ang mga 'yan pagkatapos pero ako, itatago ko.

    Sertipiko, yan yong isa sa mga pinakaiingatan kong mga bagay na kinokolekta nang di sapilitan kasabay ng mga barya o lumang pera, laruang transformers, at marami pang iba. Kinagiliwan ko silang lahat ngunit may isang sertipiko na labis kong pinagtakhan kung paano ko nakuha. Sertipiko na ang nakasulat ay pumangatlo sa pagsulat ng komposisyon na ibinigay sa aking noong ako'y nasa elementarya pa lamang. Paano? Sumulat ba talaga ako? Ako ba talaga iyon o ako na mula sa ibang dimensyon?

    Doon nag-umpisa ang aking pag-iimbistiga at sinuong ang larangan ng pagsulat. Ang tanong ay unti-unti kong pinunan ng sagot sa pamamagitan ng pagbuo ng mga hinuha sa aking isipan at inilalapat sa papel gamit ang tinta ng aking panulat. Naalala ko pa nga noong pagtatapos namin sa elementarya, pinarangalan din ako ng WORD SMART. Matalino nga ba talaga ako sa salita? Siguro? Baka?

    Dito tayo magsisimula...



THIRD PLACE FOR COMPOSITION WRITING

ENGLISH QUIZ BEE SCHOOL LEVEL - NEW MABUHAY ELEMENTARYSCHOOL 

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...