Unang kompetisyon sa pagsulat ng dagli na nilahukan ko na nagka-ranggo at nakatanggap ng mga papuri. Napakasaya ko nang mga panahon na ito dahil kahit isang beses lang ay nagustuhan ng iba ang dagli ko na di ko pa gaanong gamay noon.
Entry No. 9
Theme and Prompt: Fetish - Bibliophilia
"Ma! Saan mo dadalhin ang mga libro ko?"
"Mabuhay ka sa realidad Esang. Huwag kang tumulad sa kapatid mo, natatakot akong mawala ka rin sa amin."
--
Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula nang iwan kami ng natatangi kong "book buddy", si ate Jonah. Hawak-hawak ko ang librong yakap niya nang siya'y binawian ng buhay. Natatakot akong basahin kaso ito na lamang ang natitirang libro dito sa kwarto ko, para kasing mamamatay ako kapag walang nababasang libro.
Binuklat ko ang libro at isang nakakasilaw na ilaw ang nagpapikit sa akin.
--
Pagdilat ko'y kamangha-manghang lugar ang aking napuntahan. Tila isang paraiso ng mga libro. Mga librong lumilipad, may buntot ng isda at iba'y naghahabulan. Ang aking nilalakara'y pinagpatong-patong na "bookmarks" at sa harap ko'y isang kastilyo na gawa sa malalaking "bookshelf" na may napakaraming libro. Isang tunay na paraiso para sa katulad ko, parang gusto ko nang manatili dito.
Hanggang may isang diwata ang sa aki'y lumapit. Bati niya'y "Maligayang pagdating, hayaan mong gabayan kita papasok. Alam kong masisiyahan ka sa makikita mo." Dahil sa labis na pananabik ay agad akong sumama.
Nagulat ako sa aking nasaksihan. Isang mataas na tambak ng libro ang bumungad sa pagpasok ko. "Kumuha ka, maaari mong basahin ang lahat ng iyong nakikita."
Ako'y natuwa at agad tumakbo patungo sa mga libro. "Esang!" Ako'y napatigil at hinanap ag pinanggalingan ng boses. "Masaya akong nandirito ka na rin aking kapatid, ito ang basahin mo."
"Ate Jonah?"
Kinuha ko ang libro. . .
[Imahinasyon Ang Limitasyon: Paraisong isip mo ang may gawa, kontrolado ang bawat gunita. Kalungkutan o saya, ikaw ang magpapasya.]
Binuklat ko ang libro at nagpatuloy sa pagbabasa habang may mga alitaptap na nagbibigay ilaw sa mga pahina.
--
"Time of death, 11:11 pm."
#PSCfetish
*Certificate of Participation* |
*Certificate of Achievement - 2nd Place - Fetish* Note: Certificate collaborately created by yours truly |
*Certificate of Recognition - Reader's Choice Award - Fetish* |
PARAISO AKLATAN | February 28, 2018 | Poemstar Community | Writing Competition of Fetish and Fears | 2nd Place - Fetish, Reader's Choice Awardee | Bannie Bandibas
Comments/Critiques:
Pamilyar sa akin ang "Imahinasyon ang limitasyon, paraisong isip mo ang may gawa, kontrolado ang bawat gunita, kalungkutan o saya, ikaw ang magpapasya" na ginamit na linya.
Galing ba 'to sa isang movie? - Paradox
---Sa commercial po ng Krimstix ko 'yan nakuha (tagline). "Imagination mo ang Limit". Hehehe
Xia Lavender--Simple lang din ito pero mapapasabi ka ng "Worth it basahin" Nalarong mabuti ang nakuhang tema, naramdaman ko na ako si Esang habang binabasa ko ito kasi naka-relate ako do'n sa mahilig magbasa. Siguro mas gawing smooth lang ang pagkakalahad, pati na ang transition ng bawat pangyayari. Iyon lang, goodluck! Sulat lang nang sulat.
Lanylyn Bellen--Bigla akong nagsalita rito mag-isa; " Mahilig din siya sa pagbabasa." Maganda ang takbo ng kwento, malikhain sa paggamit ng mga salita, pinaghandaan at malawak ang narating ng imahinasyon. Minsan kasi iniisip ko rin na baka sa sobrang attachment ko sa books e makarating ako sa ibang dimensiyon. Mahusay ka! Good luck! Sulat at basa lang palagi!
Kelvin Gamboa--Gan'to ang inaasahan kong mga entry, salamat! Maganda, wala ako masabi kundi basa lang nang basa! Kudos sa creativity! Sulat lang at good luck sa patimpalak!
Kimmy Winter--Hindi ko na-gets ang mga linya bago ang panaginip, hindi siya na-justify ng ending. Parang hindi siya connected. Maganda ang pagkakalahad ng Fetish at Phantasm. Balanse sila, ang paraan lang ng pagkukuwento ang medyo nagpalabo sa kabuuan. Wala naman akong nakitang mali sa teknikal na aspeto. Siguro medyo namadali lang ang pagkakagawa ng kuwento. Congrats!
*Reader's Choice* |