Pangalawangg beses kong lumahok sa isang contest na nasa anyo ng isang serye. Napahaba at matagal ang kompetisyon ngunit nasasabik ako sa mga ganito pagkat masusubok ang iyong pasensiya at pagka-flexible sa mga kakaibang pagsubok sa bawat round. Battle of the poets, 2018 ng PLUMAKATA na nagsimula noong February 7, 2018 at nagkamit ako ng pangalawang gantimpala sa finale.
QUALIFYING - LIMERICK
#PluMakataBOTP2018
#AngPagsubok
Matangos ang ilong ni pogi,
At mata'y nakakabighani.
Ayaw ko'ng matukso,
Ngunit ba't ganito?
Nababakla sa 'king sarili.
WAVE ONE - NARRATIVE
Entry #5
#PluMakataBOTP2018
#AngUnangPagdanakNgTinta
Dodoria
Tubig, Lupa, Sino ang taya?
Noon, sa malinaw na tubig ng lawa'y
Ang humahalo lamang ay laway
Ng mga batang naliligo't nakangiting tunay.
Naglalaro, tumatawa, paligid ay buhay.
Masaya silang nagtatampisaw
Sa tubig na walang kasingginaw,
Upang matakasan ang init ng araw
Na damang-dama sa buong Mindanao.
Lugar na tahimik at lupaing sagana,
Mga mata'y punung-puno ng tuwa.
Pagmamahalan ang siyang ipinupunla,
Upang makamit at manatili ang pagkakaisa.
Ngunit tila nag-iiba ang pag-ikot ng mundo,
Nasaan na ang pag-ibig at pakikipagkapwa-tao?
Ang mga matang inosente ay nalilito,
Saan ako papanig? Kanino makikisalo?
Sa mga lumalaban upang maging isa ang bawat lahi
O sa mga lumalaban upang makapagsarili.
Kanino ako tutungo? Paano ako pipili?
Ano ang desisyon na walang pagsisisi?
Maaari bang tumahimik na lamang?
'Yung walang mababalewala at papanigan.
Ngunit anong mangyayari kung hindi ako makiki-alam?
Makakayanan ko bang tiisin na sila'y hayaan na lamang?
Hayaang na ang humalo sa tubig ay hindi na saya,
Kundi dugo ng mga napaslang, kaawa-awa.
Hindi na ngiti ang nagtatampisaw sa lawa,
Kundi mga sandatang metal na dumudura ng bala.
Ang silaw ay 'di na nagmumula sa araw,
Kundi sa mga umaapoy na tahanan ng mga taong sumisigaw
Ng "Tulong! Tulong!" at may tanong na umaalingaw-ngaw--
"Hahayaan niyo ba kaming lahat ay pumanaw?"
Ang dating maligaya at masaganang lupain
Ay lungkot at kahinaan na ang itinanim.
Dating ulan ang bumabagsak na tangay ng hangin,
Ngayo'y luha na ang dumidilig sa pananim.
Ang bakbakan sa Marawi ay natapos na,
Ngunit ang bangayan ng damdamin ay magsisimula.
Magpapatuloy ang mga pag-aalsa,
Na maaaring sa kaguluha'y magpalala.
Kailan tayo gagalaw? Kailan tayo kikilos?
Kapag ba ang tubig ay tumigil na sa pag-agos?
O sa sandaling ang tsinelas na sa lupa'y humahaplos
Ay mapalitan na ng yapak ng mga sugatang sapatos.
JUDGE 1 - Magandang araw makata! Napangiti ako sa "ang humahalo lamang ay laway". Magaling ka sa tugmaan. Maganda ang paglalahad mo. At naramdaman ko ang bawat taludtod. Nakakalungkot. Nagustuhan ko ang pagtatanong mo. Masasabi ko talaga na maganda ang tula mo, Dodoria! "Write what you like."
JUDGE 2 - Magandang araw manunula! Una sa lahat, hindi mo nasunod ang mechanics na malayang taludturan. Babawasan na lang kita sa iyong puntos. Ngunit gayon pa man, nagustuhan ko naman ang mensahe nito. Isa itong instrumentong magtataas sa talukap ng bawat isa. Magandang pagmulat ito. Ipinakikita rito ang kalituhan sa pag-unawa sa kung ano nga ba ang dapat paniwalaan at samahan. Paghihikayat na maaari nang gumising at bumangon mula sa bangungot na dinanas. "Ngunit ang bangayan ng damdamin ay magsisimula." Nagustuhan ko ito. Totoo naman kasi ang linyang ito. Na hindi porke wala nang maririnig na putukan, ay natapos na ang giyera. Dahil hindi, hanggang ngayon ay tila paulit-ulit pa ring umaalingawngaw ang kaguluhan sa isip ng bawat isa. Nagkaroon na ng lamat kumbaga. Sa aspetong teknikal, okay naman. Maganda ang linyahan kahit hindi nasunod ang malayang taludturan. Swabe ang daloy nito. Sa emosyon, naroon naman siya. Hindi ko masasabing mabigat at hindi ko masasabing magaan. Katamtaman lang para sa akin. Sa kabuoan, okay naman kaya salamat sa pagbabahagi. Goodluck sa iyo.
JUDGE 3 - I can say that the title is really a hook! It is catchy that I couldn’t help but to get excited of its content and I am glad to say that this poem didn’t fail my excitement! I mean, the first stanza was awesome. The scenario was also great, it is not as detailed like a prose but it can able me to visualize how great the Maranao is and how awesome to have a childhood life in there, it’s too happy that I can’t help but to feel sad to the succeeding stanza. At super po nakakadala at nakakabagabag ang mga ending stanzas mo. *makikialam (if the end of the panlapi is a vowel and the root word begins in a vowel also makik(i)(a)lam. *umaalingawngaw (alingawngaw is the base word so don’t put hyphen , see alingaw-ngaw) Also, I don’t know but the very reason why this was also one of my bets because of the rhythm. Kaya halos ang nakakakuha sa akin nang mataas na marka ay may mga original voice rhythm.
JUDGE 4 - Ang ganda ng pagkakagamit ng tema, Dodoria. Lalo na `yong simbolismo ng tubig sa lawa ng Lanao. Pasok na pasok at napakaganda ng imagery. Makikita mo ang mga eksenang nagpeplay sa isipan mo. Ang hinahanap ko na lang talaga ay `yong malakas-lakas pang suntok ng emosyon. `Yon na lang at perfect na sana para sa akin.
|
*Certificate of Recognition - Qualified* |
|
*Scoresheet*
|
WAVE TWO - PANTOUM
#PluMakataBOTP2018
#PagtatapatNgMgaPluma
Dodoria
BIRD ON A TREE
Would you still welcome me?
Maybe you won't, never.
I'd rather be forgotten forever,
Than be in pain, every time we see.
Maybe you won't, never.
I should make myself happy
Than be in pain, every time we see.
Moving with the flow of a gentle river.
I should make myself happy.
Living my life to be better,
Moving with the flow of a gentle river.
Fly like a bird and have a tree.
Living my life to be better,
Loving myself is the key.
Fly like a bird and have a tree.
Spread those wings, soarer.
Loving myself is the key.
I won't need a pain killer.
Spread those wings, soarer.
The true healed is me.
I won't need a pain killer.
I will set myself free,
The true healed is me.
Free from the controller.
I will set myself free
From that romantic lover.
Free from the controller
That is abusing me.
From that romantic lover,
I have a family
That is abusing me.
I can't live with this forever.
I have a family,
Never belonged there.
I can't live with this forever.
It's time to just think about me.
Never belonged there,
I will walk away to see.
It's time to just think about me,
Away from fake love, the liar.
I will walk away to see.
Staying on a tree that I am the owner,
Away from fake love, the liar.
I won't ask again to thee.
Staying on a tree that I am the owner.
I'd rather be forgotten forever, really,
I won't ask again to thee,
"Would you still welcome me?" Never.
JUDGE 1 - I like the concept, the way you used a bird to signify freedom from pain. Though there are some words that made some lines awkward to read. *Spread these wings - since you are pertaining to your own wings. There are some misused punctuation marks too. Keep on writing and never give up.
JUDGE 2 - I don't know if it's just me, but I find some of your words kinda awkward to read. But still, I admire it that you used symbolism particularly a bird and a tree, to express the meaning of freedom and loving yourself more. I hope you won't stop on writing and learning new words to express your heart out. Good luck and Happy Writing!
|
*Certificate of Recognition - Qualified* |
|
*Scoresheet* |
WAVE THREE - REVERSE POETRY
#PluMakataBOTP2018
#KalasagNaPanulat
Dodoria
Kaninong Kwento Nga Ba?
Walang kwentang ina!
Hindi ka kailanma'y naging
Mapagmahal at mapag-aruga.
Hindi ka napapagod sa pagiging—
Pabigat sa pamilyang ito.
Kahit sobra na kaming
Nagtitiis at iniintindi na lamang.
Hindi maiwan-iwan—
Ang dakila naming ina.
Walang pinag-aralan,
Ni 'di marunong bumilang,
Natapos mo'y grade one lamang.
Ipagmalaki ka, kahit na
Ika'y pandak! Hindi, ang nais ko'y
Apakan ka, tawagin kang duwende!
Wala akong karapatan na—
Pabalik ay mahalin ka.
Ang tangi kong magagawa,
Ang isiping wala akong ina.
Isang pagkakamali—
Na ibinigay ka sa amin ng Diyos.
Ako'y nagpapasalamat,
Ngunit ang totoo,
Isinusumpa ka at ikinahihiya.
Ninais kang sumbatan,
"Ano bang naitulong mo?"
Tanong sa aking sarili ay
"Bakit ka nagtitiis? Nagtatiyaga?"
Iniisip ko noon ay wala akong kwenta,
Dahil sa iyo, Dahil ina kita.
Nagtagumpay ako, nagwagi,
Gamit lamang ang sariling pagpupursigi.
Ako, noon ay hindi nakaalpas,
Nakalaya, nakatakas
Mula sa kulungan ng pagkabigo,
Dahil sa iyo aking ina—Dahil sa 'yo.
JUDGE 1 - Magandang Araw Dodoria.
Isa na naman ang iyong tula sa mga pinanghinayangan ko.
Napakaganda ng mensahe. Ramdam ko ang pagiging masama nyang ina at nakarating talaga sakin kung gaano mo sya kinamumuhian biglang iyong ina.
Reverse Poetry. Sa tula mong ito nakita ko talaga ang Reverse Poetry na hinahanap namin ang kaso kung paano ko nakita ang Reverse Poetry e ganun naman ako nakaramdam ng paghihinayang, may kulang, may mali.
Gaya ng isang kalaban mo dito, may kulang ka sa saknong. Maarte ako sa tula, aaminin ko kaya naman ayoko talagang nakakabasa ng kulang na ideya sa tula. Bawat saknong putol, at yan ang nakapagpababa ng kagalakan ko sa gawa mong ito.
Nevertheless, napakaganda ng mensahe. Gaya nga ng sabi ko kanina naipakita mo kung gaano mo sya kinamumuhian pero naipakita mo rin kung gaano sya dapat ipagmalaki, mahalin at ipagyabang.
Maraming Salamat. Muli, magandang araw.
JUDGE 2 - Una kong napansin ay ang pamagat ng iyong tula.
Para sa'kin ay malayo ito sa mensaheng nakapaloob dito, sa susunod mas maganda kung pipili ka nang titulo na mas magbibigay-kulay sa iyong tula.
Tumungo naman tayo sa iyong tula, kapag binasa mo ito sa normal na paraan, maiisip mo na may galit ka na kinikimkim para sa iyong ina dahil sa pagiging iba niya. Ngunit nang basahin ko na ito mula sa baba, dun na lumabas ang tunay mong mensahe.
Napansin ko lamang ang ilang taludtod na kapag binasa ko'y tila ako nauutal. Maraming salamat sa pagsali!
Sulat lang nang sulat!
JUDGE 3 - Note: I will focus only on points where I think, if taken into consideration before revision (if the writer ever wants to), would improve the piece. My views are all preferential and in no way intended to undermine the creativity of the writer nor is it intended to be taken as an absolute.
1.The title seems off.
2.Consider rephrasing lines, especially the opening and ending of each stanza to bond together the whole piece better.
|
*Certificate of Recognition - Qualified* |
|
*Scoresheet* |
WAVE FOUR - RENGGA
RenGallants
Andriod 18 - Mike James Palay
Dodoria - Bannie Bandibas
Bra - Arwin Rocas Trinidad
Valese - Tori Tan
For Papa: Sending My Unrequited Love
Drowned in apathy,
Deep under—thirsty for love,
I was never saved.
So I gripped this pen and sheet,
And wounds I started to spit.
Each day I pleaded,
Begged, prayed to be acknowledged,
Yet all was unheard.
I loved you, most of my years.
I offered blood, you gave tears.
Won't you see these scars?
Thick bars, running in my arms—
Countdown to my end.
How can I call this "a life"
If It's killing me inside?
I heard the knife yelled,
"Boy, I want to kiss your wrists!"
I heard pretty lies.
My eyes shimmered as knife did,
"I'm tired of those blunt reasons.
"Found this whimsical,
That's what love will always be
—Unconditional."
Stinging pain, I'm awakened,
Though I bleed, heart's still loving.
"Papa, hear your child!"
Slowly dying yet hoping—
"Save me, my refuge."
To the father I'll become,
Fill your heart with love, not alms.
"Better be unloved and give love, than being loved but unable to love.
JUDGE 1 - RenGallants:
I love how you guys gave unique rendition of the theme. Honestly, at first... I didn't catch the drift, but the second time I read it, well you guys are right.
Unrequited love is not just the one sided love in our peers, but some people are also longing for a love from a parent-- from a father.
With regards to the technicalities, alam ni'yo na naman siguro if saan kayo may mali.
Masakit 'yong tula especially sa isang anak na naghahangad ng pagmamahal sa magulang-- hindi 'yong pasa o sugat sa katawan-- hindi sigaw, kundi pagmamahal.
Good job and keep writing!
JUDGE 2 - RenGallants:
Given that your interpretation about unrequited love is unusual, since it tackles about a son who longs to be loved by his father, that even for a short period of time you we're able to produce a well-thought piece.
Given din na maganda 'yung nabuo niyong tula talaga at kakaiba, kaso may kulang.
Alam ninyo kung ano? Emosyon.
Binitin ninyo ko, bes.
Alam mo 'yung pakiramdam na nasa taas ka na, sabay bigla kang binitiwan basta? Gano'n ang pakiramdam habang binabasa ko ang tula ninyo.
Ang laki kasi ng potensyal e!
Puwede pang palawakin ang konsepto at paglaruan, ('yung salita ha, hindi tao) pero ayon nga,kinapos.
Hinahangad ko rin na ma-justify ninyo ang suicide part, kaso kapos rin. May mga parte kasi na puwedeng palitan upang mas lalong maunawaan, pero hindi ninyo na marahil binigyan ng pansin.
Minsan kasi, nakakabulag ang ganda ng mga salita.
Alam ko naman na mahirap gumawa ng renga, pero kasi nasimulan ng gumawa ng isang tula na medyo malayo sa nakasanayang tema tungkol sa 'Unrequited Love' sana, nilubus-lubos na.
Maybe next time, write it 'ALL-OUT' literally and figuratively.
And one more thing:
Next time (again) piliin ninyong maigi ang gagawing title para sa inyong tula/kwento. H'wag masyadong 'pamigay' sana, takamin ninyo ang mambabasa, pag-isipin ba.
Para macurious sila at ma-hook, okay? Okay. ❤
Salamat sa pagsali!
JUDGE 3 - RenGallants:
Honestly speaking, kayo ang pinakagusto ko pagdating sa team effort. Mula umpisa hanggang sa matapos ang tula ninyo yung communication hindi naputol.
Pero disappointed ako sa naging resulta ng gawa ninyo dahil una kayo yung may pinakamagagandang ideas, kayo yung open sa criticisms ng mga kagrupo ninyo para maitama ang mali o mas mapaganda pa ang ideas ninyo.
Pagkabasa ko ng tula na gawa ninyo, hindi ko talaga nakuha yung flow ng istorya, maganda naman yung lines pero 'di ko dama. Yung reason para magsuicide yung character sa kwento hindi nabigyan ng justice.
Napatanong ako sa sarili ko, bakit ganun?
Anong nangyari?
Hindi klaro yung dahilan at yung mensahe. Meron pang oras para mas mapaganda pa yung gawa ninyo kaso nagsettle na kayo sa ok na yan, ipasa mo na. Nakakapanghinayang kasi kayo yung pinakamadaming ideas pero nasayang talaga.
JUDGE 4 - RenGallants:
Your poem was good. It's full of pain as you read it, showing how the love of a son to his father goes unrequited.
Kaso nga lang napansin ko na tila na spoon-feed ang title na inyong napili. Kumbaga, hindi pa napasadahan ng mata ko ang poem ay may idea na ako kung ano ang content because your title already told everything.
Also, the content itself didn't justify the message you want to tell. Kumbaga sa pagluluto, minadali ninyo gumawa ng isang putahe without considering the taste. Just pure presentation.
Usually naman, — alam kong naman na alam ninyo ito — bago ka masatisfy sa iyong sinusulat katakot-takot na proofread ang gagawin mo; lots of revision, addition and weighing if it's already okay but you just settled on it. Within the remaining days after ninyo natapos ang poem, I was only hoping that you will at least chew on about new developments but the deadline comes and you only just stick with it.
However, as I mentioned already your poem is good and it shows that parents' attention and love is what their child desire more than anything, and I think it will become better if and only if you just used the time wisely.
Good luck to the members of Team RenGallants.
|
*Group Poster* |
|
*Scoresheet* |
FINAL WAVE - SPOKEN WORD POETRY
Written form ng Spoken piece:
Bakit nga ba tula?
Maaari namang prosa,
Uri ng literatura
Na sinadyang mahaba—
Upang buong mailathala
Ang lahat ng nais maitala.
Madaling ipaliwanag,
Madaling maintindihan—
Walang babagabag
Na malalalim na tugmaan.
O 'di kaya isang dayalogo,
Hindi man buo
Ay madaling makabisado
Ang mga eksena sa kwento.
Sa bawat pagbitaw ng mga ito,
Masasakop mo agad ang mga anggulo.
Sa simpleng "mahal kita"
Hanggang sa "p're, hindi tayo talo."
Kaunting tapunan ng mga linya,
Dama agad ang emosiyon nito.
Pero bakit nga ba tula?
Bakit nga ba ako gumagawa
Ng malalalim na mga tugma—
Kahit simple lamang ang eksena?
Nais ko lang sigurong magbigay tuwa
O isigaw ang nasa puso ng isang makata.
Gaya ng mga akdang isinusulat,
Gan'yan din ang laman nito.
Mula kumplikadong pamagat
Hanggang sa malabong dulo.
Ganito ang aming mga puso.
Mga salita'y nabubuo,
Mga sukat at ritmo—
Di madaling maintindihan ng kahit na sino.
Pagka't ang tula
Ay ginawang espesyal
Ng bawat makata
Para sa mga bagay o tao na kanilang minamahal—
O...
Sa kanila'y sumasakal,
Depende sa sitwasyon.
Saya o sakit ay binubungkal—
Hanggang maging malalim na balon.
Sinlalim ng espasyo sa puso ko.
Upang mabuo ang isang kwento—
Hila-hila ang balde ng mga salita
At pinapanday at papandayin ng isang makata.
Ikaw? Para sa 'yo? Bakit nga ba tula?
|
*Certfiicate of Recognition - Second Place* |
|
*Scoresheet* |
|
*Exudos - Hall of Fame - Poster* |
|
*Certificate of Contribution - Exodus - Hall of Fame* |