21 Hulyo 2022
G. BANNIE BANDIBAS
Fellow
Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing
Mahal na G. Bandibas:
Kalinaw!
Ang Buwan ng Wika ay ginugunita taon-taon upang ipagdiwang ang ating pagka-Filipino. Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041, serye 1997, ang taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang buwan ng wikang pambansa. Bilang pagtalima sa nasabing proklamasyon, sa taong ito, ang Mindanao State University- General Santos sa pangunguna ng Departamento ng Filipino at Samahan ng mga Mag-aaral ng AB-Filipino, sa pakikipagtulungan sa Samahan ng Filipino sa Edukasyon, kaagapay ang Sentro ng Wika at Kultura Rehiyon XII, at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nakikiisa sa gawaing ito.
Ngayong taon ay ilulunsad ang Katagàn: Pagsulat ng Akdang Pampanitikan bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2022 na may temang “Filipino at Katutubong Wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas”.
Kaugnay nito, kayo po ay inaanyayahan namin bilang Hurado sa nasabing patimpalak. Ang inyo pong pagpapaunlak sa aming imbitasyon ay magiging daan sa ikatatagumpay ng programang ito.
Ipinapauna na po namin ang aming marubdob na pasasalamat.
Lubos na gumagalang,
JANICE G. CADORNA
Pangulo, SABFIL
Itinala ni:
LOVE I. BATOON, MA
Tagapayo, SABFIL
Pinagtibay ni:
DEBBIE M. CRUSPERO, PhD.
Tagapangulo ng Departamento
Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura- MSU Gensan
No comments:
Post a Comment