Bannie | PleumaNimoX: DISTANSYA

Search This Blog

Tuesday, June 28, 2022

DISTANSYA

Distansya

Una kitang nakilala bilang isang bugtong,
hindi makasalita, sigaw, at kahit bulong
ngunit sabi nila’y lagi kitang kasama--
nawawala, nakikita pero ‘di madama
at tulad ng isang bugtong na napakahirap
ay di rin kita maintindihan. Kukurap kurap.

Mawawala ka na lang nang isang iglap
sa pagtago ng araw sa makulimlim na ulap
kahit na hindi pa nagsisimulang umiyak--
pagdamay mo minsan ay di ko na rin tiyak,
kung nadiyan ka ba, kasama pa ba kita
o nang-iwan ka na rin tulad nila. Tutunga-tunganga.

Iniisip kung kaya bang sagutin ng matematika
ang tamang layo at distansya natin sa isa’t isa
sa bawat oras at panahon, kalmado o maalon,
pagkat nais kong tumakbo papalapit--tumalon
patungo sa iyo at yakapin ka nang mahigpit,
tanggalin mo ang mga sakit. Papikit pikit.

Tuluyan akong nabulag, nadagdagan ang pait
na sa lalamunan ko’y kumakapit at gumuguhit
hanggang sa napilitan akong isuka ang lahat
kasabay ng pag-agos ng dugo sa mga sugat--
hiningal ako, pagod, sa pader ay napasandal
at nakita kitang muli sa labis kong pagpapagal.

Tunay ngang ika’y malapit, walang isang dangkal,
basta’t ako’y sa ‘yo lang didikit. Dadasal dasal.

#PSACUATROCANTOS

SERTIPIKO NG PAGLAHOK\

KATIBAYAN NG PAGKILALA


LIBRONG NAPANALUNAN BILANG KAMPEON

SKRINSYAT SA BIDYO NG PARA SA ANINO

PASKIL NG PARA SA ANINO


GAWAD GASERA - SERTIPIKO

GAWAD ESTRELYA - SERTIPIKO

GAWAD BAHAGHARI - SERTIPIKO

PASKIL - GAWAD AGILA - SERTIPIKO

Distansya | June 29, 2022 | Para Sa Anino | Pagsulat ng Tula | Kampeon | Bannie Bandibas

(90.50 %)
— Gawad Gasera 2022 (Best in Title)
— Gawad Estrelya 2022 (Best in Content)
— Gawad Bahaghari 2022 (Most Creative Piece)
— Gawad Agila 2022 (Technicality Master)

Ikaw ang kauna-unahang Aníno ng Kampeonato ng pahinang Para sa Aníno sa Kategoryang Pagsulat ng Tula.

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: WORDS FROM WATER (SECOND EDITION)

π Reading this zine made me feel being more human. Your feelings are valid. Your experiences are real. You are not a malfunctioned robot in ...