Patak
Tak. Tak. Pawis na pumapatak,
mula sa mga manggagawa
na di nakalilimutang humalakhak
kahit sa trabaho'y napagod na.
Tak. Tak. Mga luhang pumapatak
mula sa dekalibreng mga artista
na tumatanggap ng palakpak
para sa ginagampanang mga drama.
Tak. Tak. Laway ang bumagbagsak
mula sa bunganga ng mga tagapuna
na di natatapos ang pagsaksak
ng kanilang mga ideya't hinuha.
Tak. Tak. Pintura na pumapatak
nula sa kamay ng tiga-pinta
na nais itatak sa bawat utak--
ang buhay ay makulay, maganda.
ang buhay ay makulay, maganda.
Tak. Tak. Mula sa panulat na may latak
ng mga manunulat at manunula
na di alintana ang panghahamak
sa kanilang mga obra't akda.
Tak. Tak. Pinaghalong mga patak
na nangangahulugang may halaga ka
dito sa mundong malawak
at hinding-hindi ka mag-iisa.
Tak. Tak. Magkakaibang paksa
na pinagbuklod ng iisang patak,
at nagsasabing may silbi ka
sa bawat pagpatak ng oras. Tik-tak.
#MgaTumutugma
![]() |
POSTER NG KOMPETISYON |
No comments:
Post a Comment