Bannie | PleumaNimoX: PAHINA NG KALENDARYO

Search This Blog

Tuesday, June 28, 2022

PAHINA NG KALENDARYO

Pahina ng Kalendaryo

Matagal-tagal na rin akong nakakulong sa isang madilim na sisidlan--nakaupo, nakaluhod at minsa’y nakahiga. Wala akong makitang kahit anong uri ng liwanag. Alam kong matagal na pero hindi ko bilang ang mga araw ng aking pananatili at ilang pahina ng kalendaryo na ang napunit mula no’ng huling masilayan ang araw. Nag-iisa ngunit hindi nakadama ng lungkot, masarap yakapin ang katahimikan hanggang sa isang iglap ay may naaninag akong kislap mula sa maliit na butas. Sumilip mula roon, napabuntong hininga. Lumingon, nakita ko siyang muli at napasabi na lamang ng “baka isang bagong kalendaryo pa, kaibigan, dito na muna ako.”

#PSACUATROCANTOS

KATIBAYAN NG PAGKILALA

SERTIPIKO NG PAGLAHOK


SKRINSYAT SA BIDYO NG PARA SA ANINO

Pahina ng Kalendaryo | June 29, 2022 | Para Sa Anino | Pagsulat ng Dagli | 10th Place | Bannie Bandibas

No comments:

Post a Comment

A REVIEW ON: KAPOY NAKO

π Dili ni pwede basahon habang naa pud kay ginaagian ug maskin igawas lang sa usa ka lugar na daghang tao ang naay ginabati (e.g. ospital). ...