Rehistrado
(Sertipiko)
Ang una kong sertipiko bilang rekognasyon sa aking pagiging rehistradong awtor at manunulat. Unang beses ko ring mag-apply sa National Book Development Board at sa awa ng Diyos ay na-aprubahan. Sigurado akong hindi lamang ito mananatiling rekognasyon kundi magiging kapitan ko ito upang maging produktibo sa araw-araw bilang isang manunulat. Magmumulat hangga't kaya ng mga sulat.
Scanned Copy of the Certificate of Recognition |
Photographed Copy of the Certificate of Recognition |
Publications Contributed and Produced Before Registering to NBDB |
Envelope where NBDB safe-kept My Certificate and Sent thru PHLPost |
Genuine joy. Indeed, a very genuine joy. Labis ang kaligayahan ang nadama no'ng natanggap ko ito. Alam ko na ang laman ngunit naroon pa rin ang pananabik. Parang isang regalo na gustong gusto mong buksan nang makita mo ang surpresa at talagang surpresa ang pakiramdam. Simple man ito para sa iba ngunit bilang isang manunulat, isa itong tropeyong ginto. Hindi pa ito ang dulo ngunit ang pakiramdam ay malubhang pagkapanalo.
ReplyDelete