Tanikala Ng Adan
Humihina ang BÁSA sa mga TALÂ na naipon sa kuwadernong BASÂ.
Ilang TAÔNG isinulat ang mga pagtali
sa mga katotohanang pilit ikinukubli
Upang MAPASÁMA sa kanila, mga TÁONG matuwid nang 'di MAPASAM—
Ngunit 'di na KÁYA pang magkunwari KAYÂ ang pusong eba, sa inyo'y akin nang ibabahagi.
#POOL1UNANGPAGLAYA
Tanikala Ng Adan | May 24, 2021 | Shy-type Writer | Season 9: 9 Tuldik, 1 Tula | Partisipante | Bannie Bandibas
POOL 2
Ako'y Hindi Akin
Ang palad ko'y NÁSA lilim ng BABÀ habang hinihintay SILÁ sa BABÂ ng puno,
Ang mga SAWÁ na NASÀ LÁMANG ay maging LAMÁNG sa alipin.
Kamunduhan ng laman at kahayukan sa yaman ang sa kanila'y tawag ko
Ngunit SAWÂ na sa buhay na itong alam kong di nararapat sa akin.
#POOL2PANGALAWANGPAGLAYA
Ako'y Hindi Akin | May 24, 2021 | Shy-type Writer | Season 9: 9 Tuldik, 1 Tula | Partisipante | Bannie Bandibas
POOL 3
Makulimlim Na Ulap
Sino ang may SÁLA sa pagkakaroon ng BÚHAY nitong PITÓ kong kalaban?
Nagtipon sila sa SALÀ ng aking isipan, dala'y mga PÍTO—handa nang hipan
Upang BÚKAS ay muling guluhin ang BUHÁY ko pang pananampalataya.
TÀYO ang may hawak ng ating mga utak
ngunit Diyos ang magpapanatili ditong BUKÁS, nawa.
#POOL3PANGATLONGPAGLAYA
No comments:
Post a Comment